Chapter 26

215 8 0
                                    

Nakaraan na ang lumipas at matiwasay na kaming namumuhay sa lugar na ito. Nahuli na rin ang ama ni Brennon na ngayon ay mag-iisang linggo na sa kulungan.

"Ang laki na ni Baby ah, paniguradong lalong magiging moody si mommy." Rinig kong asar sa akin ni Papa habang minomonitor ang t'yan ko.

Lumalaki nang paunti-unti ang t'yan ko dahil mag-aapat na buwan na akong buntis. Nasasabik na rin akong malaman ang kasarian ng magiging anak ko.

"So far, the baby is healthy. Kailangan mo lang uminom ng gatas gabi-gabi bago matulog o 'di kaya ay iyon ang inumin mo kapag mag-aalmusal." Payo sa akin ng doktor.

Hawak-hawak ni Brennon ang kamay ko habang ang mga pinsan ko naman ay ngiting-ngiti sa akin.

"Oh, rinig mo naman siguro ang sinabi ng doktor, Saturn. Iinom ka ng gatas tuwing umaga at gabi."

Napangiwi ako sa sinabi ni Mama. Kahit kailan ay hindi ko ginustong uminom ng gatas dahil hindi ako nasasarapan. Hindi ako mahili sa pagkain, sadyang ayoko lang sa gatas.

"I don't like it," pag-iinarte ko.

"Don't be stubborn, Saturn. It's for your health and also for our baby." Hinawakan n'ya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.

"Tama na ang ka-sweetan, pati ba naman sa ospital walang sawa. Clemson i-kiss mo nga ako." Ngumuso ito at lumapit kay Clemson na diring-diri sa sinabi n'ya.

"Go away, hindi ako napatol sa pinsan ko. Yuck." He said in disgust.

Natawa naman ang lahat maging ay doktor ang hindi napigil sa pagtawa.

"Maka-yuck ka naman, mga babae mo nga r'yan walang pantay sa kagandahan ko." Umirap ito.

"Where's the beauty, Solem? I can't see it." He said, folding his hands across his chest.

Naistorbo lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Brennon kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Sino tumatawag?" Tanong ko.

"Relative." Ngumiti s'ya.

"Bakit hindi mo sinagot?"

"Mangungulit lang 'yon."

Tumango ako bago kinuha ang ultrasound na inabot sa akin ng doktor. Hindi ko naman mapigilang mangamba sa sinabi n'ya. Hindi ko alam na may kamag-anak pa pala s'ya rito sa Pilipinas. Ang tanging alam ko lang ay iniwan na s'ya ng nanay n'ya at nakakulong ngayon ang tatay n'ya.

Wala naman s'yang kapatid dahil sa pagkakaalam ko, nag-iisang anak lang s'ya. Ang mga lolo at lola n'ya naman ay nasa Canada naninirahan, ang mga Tiyahin at Tiyuhin n'ya naman ay may sari-sarili nang pamilya.

I shook my head. Imposible ang iniisip ko. Brennon can't cheat, magkaka-anak na s'ya, magkaka-anak na kami.

Ayoko namang pakialaman ang cellphone n'ya dahil paniguradong magtaka s'ya sa kinikilos ko. I'm thinking some shits again. Hindi 'to makakabuti sa anak ko kung masyado kong papagurin ang utak ko dahil sa pag-iisip ng mga walang kakwenta-kwentang bagay.

"Brennon." Mukhang naagaw ko naman ang atensyon n'ya kaya napatingin ito sa akin.

"Do you need something?" He smiled. Bumaba naman ang tingin ko sa labi n'yang nakakaakit.

"Can you promise me one thing?"

Bahagyang kumunot ang noo n'ya kaya mas lalo n'ya pa akong pinagtuunan ng pansin.

"Yeah, sure. Tell me, what is it?"

"Please stay and....don't cheat." Napapikit ako nang sabihin ko ang huling dalawang salita.

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon