Chapter 6

380 12 114
                                    

Napakaraming tanong ang nasa isip ko na naghahanap ng tamang sagot. Pwede ko namang piliin na magsama kaming dalawa pero bakit mas pinili kong lumayo?

Sigurado bang hindi ako magsisisi sa desisyon ko? Sigurado bang tama ang ginawa ko? Hindi ko alam!! I'm fucked up!

Iisang tao lang si Tita pero halos buong relasyon namin kayang-kaya niyang sirain, kayang-kaya niyang putulin gamit ang madudumi niyang plano. Isang salita n'ya lang ay naputol na agad ang lubid naming pilit na kumakapit.

Nakaraan na ang lumipas nang umalis ako sa Pilipinas. Lutang at walang gana ako sa lahat ng bagay. Andito ako, pinapanood ang tiyahin kong masayang nakikipag-usap sa mga kamag-anak namin samantalang ako... nevermind.

"Oh, Saturn, why don't you eat? Ang sarap ng mga pagkain." Aniya at itinuro ang mga pagkain sa harapan ko.

Unang pumukaw ng atensiyon ko ang adobong nakalatag sa hapagkainan. A memory flashed on my mind. No'ng pinagluto n'ya ako pero hindi ko naman nakain dahil sa hindi inaasahang mangyayari. He prepared it for me, takam na takam ako no'n kaso wala akong oras para makipagdate sa kan'ya.

Sobrang awa ko sa kan'ya maging sa sarili ko. Para kaming negative at positive na hindi pwedeng magsama dahil isa sa inyo ang mali, isa sa inyo ang iba ang gusto para sa isa't isa kahit mahal n'yo ang isa't isa.

Now I understand, love is so powerful that can destroy anything. Pagkatao mo, ugali mo, kung paano ka makipag-usap sa iba at higit sa lahat, babaguhin ang sarili mo. Magiging iba kana kumpara sa dating ikaw.

Oo, masarap magmahal pero hindi sa lahat ng oras payag ang mundo sa inyong dalawa. Walang perpekto, walang taong hindi tutol sa relasyon n'yo. Mayroon na tanggap ka kapag kaharap ka nila pero pagtalikod mo, laban pala.

"I don't like it." Matabang kong sabi. Nilingon nila akong lahat.

"Then what do you want?" Tita Alex asked me.

"Ang bumalik sa Pilipinas."

Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Tita Maris. Alam n'ya ang tinutukoy ko at kung bakit gustong-gusto kong bumalik sa Pilipinas.

"Saturn—"

"Tita! Nangako kana 'di ba!?"

Gulong-gulo ang mga kamag-anak kong nakikinig sa pinag-uusapan naming dalawa. They can't relate dahil hindi naman nila alam na may karelasyon ako sa anak ng lalaking gumahasa sa nanay ko.

"Ginawa ko 'yon para tigilan mo na ang pangungulit mo para sa lalaking 'yon, Saturn! Sa tingin mo ba basta-basta kita ibibigay ng gano'n lang! I'm not stupid to do that!"

Yes, as I expected, hindi totoo ang lahat ng 'yon. At ako ang tanga kasi nagpakapaniwala ako sa kan'ya. I really thought that she'll stopped from being so strict. That dirty moves of her.

"Tita—please! Stop this fucking strangling commandments of yours! Ano bang gagawin ko para lang mapatigil ka!?" I shouted at anger.

"Wala, Saturn! Just don't be so stupid and dumb at the same time!! Bakit ba ang kulit mo!? Para sa'yo rin naman ang ginagawa ko!"

"For me, seriously!? Hindi mo ba alam na sakal na sakal na ako sa putanginang pinaggagawa mo—"

Nagulat ang lahat sa ginawang pagsampal sa akin ni Tita. I tasted my own blood from my lips. Hindi ko ininda ang sakit at imbis na manahimik na lang ay lumaban pa rin ako.

I slapped my Aunty as hard as I can.

"Pasensiya kana, Tita, pero wala na akong natitirang respeto at konsensya sa'yo. Wala kang utang na loob, wala kang puso. Walang hiya ka! Tandaan mo, kahit kamag-anak pa kita, hindi lahat ng tao sasantuhin ang ugali mo!"

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon