Saturn's POV
Natandaan ko no'ng bata pa ako. Wala akong kaibigan at walang nangangahas na kaibiganin ako dahil kay Tita. Takot silang lahat kay Tita. Sa t'wing umiiyak ako, ando'n lang ako sa sulok, tumitingin sa mga batang masayang naglalaro.
Kapag lumalapit ako sa kanila, lumalayo sila na parang ako na ang pinakapangit na nilalang sa mundo. Noon ay malaya akong nakakalabas ngunit walang nakikipaglaro sa akin. Tambak ang laruan ko sa kwarto pero wala naman akong kaibigan na handang makipagtawanan sa akin.
Hanggang sa may isang taga-probinsya ang dumating. Napakaganda n'yang babae at lahat halos sa kan'ya ay gustong makipag-kaibigan. Sobra akong nainggit kaya lumayo na lang ako sa pwesto nila. Umiyak muli ako at sinisisi ang Tita ko sa lahat ng nangyayari.
Kanibukasan, lumabas muli ako ng bahay at biglang nag-iba ang simoy ng hangin. Ang taga-probinsyang babae ay lumapit, hindi ako makapaniwala dahil gusto n'yang makipaglaro at makipagkaibigan sa akin.
Tinanong ko ang pangalan n'ya habang may ngiti sa aking labi. Sobrang saya ko no'ng araw na 'yon at hindi makapaniwala sa nangyayari.
Jiji Ann ang pangalan n'ya. Yeah, she's my best friend until now. S'ya lang ang nagstay sa akin hanggang sa lumaki ako. Ang kaisa-isang babaeng sumubok na lapitan ako.Dumating ang araw ng kaarawan ko. Walang dumalo at tanging si Jiji lang ang nandoon. Kahit kaming dalawa lang ay masaya naman. Pinakilala ko s'ya kay Tita at Papa pero sigaw agad ang bumugad kay Jiji. Takot na takot ako dahil pati s'ya ay mawala sa akin.
Sobrang tagal ko na gustong magkaroon ng kakwentuhan pero lahat sila hindi tumatagal. Ayaw na ayaw nilang pumasok sa bahay namin na parang may halimaw kaming tinatago rito.
Pero mas lalo akong natuwa dahil hindi s'ya umalis sa tabi ko. Araw-araw s'yang pumupunta sa bahay namin na walang takot. Ngumiti kahit taas na ang kilay ni titang nakatingin sa kan'ya.
S'ya lang ang babaeng hindi nagpadala sa mga sinasabi ni Tita.
Naging onse anyos ako at tinuruan na ako ni Papa humawak ng kumpanya. Pumunta kami ng Singapore kung nasaan ang mga tiyahin ko.May negosyo kami roon dahil si Papa ang may-ari ng isang malaking hotel sa Singapore. Tinuruan n'ya ako kung paano ihandle ang mga titira sa bawat kwarto, kung paano ang pakikitungo mo sa kanila.
Mabilis akong natuto kaso lahat ng 'yon ay nakalimutan ko simula no'ng magkaroon ako ng sariling lupa rito sa Pilipinas. Iyon ang Elvañia at Vaercesa.
Lumakas ang kumpanya namin kaya hindi ko na masyadong pinagkakaabalahan 'yon.
In my 14 years of existence, nakilala ko si Brennon. Hindi na ako pinag-aral ni Papa dahil maalam naman daw ako. I hate math pero kinakaya kong pag-aralan 'yon nang mag-isa. Nope, kasama ko si Brennon mag-aral, he's my tutor.
S'ya ang nagga-guide sa akin at tinuturo kung paano sagutan ang bawat problem sa matematika. Kahit mahirap ay mabilis ko lang nakuha dahil sa galing niyang magturo.
Tanda ko pa no'ng pinagtanggol n'ya ako sa klase dahil napahiya ako. Hindi ko kasi maintindihan ang tinuturo ng guro namin sa unahan.
"Ang tanga mo, Saturn!" Halos maluha-luha ako sa sigaw ng subject teacher namin. Ang lahat ay nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako.
Wala naman kasing maintindihan dahil puro s'ya pa-quiz tapos hindi naman nagtuturo.
Pinaglalaruan ko na lang ang daliri ko habang nakayuko. Unti-unting pumatak ang mga luha ko kasabay ang paghikbi. Natahimik ang lahat at pinagmamasdan akong maigi.

BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...