Kita ko ang panlilisik ng mata n'ya sa akin. Lumbas siya at muling sinalubong ang malakas na ulan.
"Bakit ang tigas ng ulo mo?!" Galit niyang sabi at binuhat ako pabalik.
"Gago!! Ibaba mo ako!!!" Halos hindi marinig ang boses ko dahil sumasabay ang hangin sa lakas ng ulan.
Muli kong natagpuan ang sarili ko sa kubo. Yinakap ko ang aking sarili dahil sa ginaw. Sana pala hindi na lang ako lumabas.
"You're so stubborn, Saturn!! Sinabi ko na sa'yo pero nagpatuloy ka pa rin?! Hindi mo nga makikita ang daan!!"
Binaliwala ko ang sinabi n'ya dahil nangangatal na ako sa lamig. Wala pa naman akong damit na pamalit.
Napasinghap ako nang makaramdam ako ng init. I felt his breath on my neck and his arms at my back.
"You're so dumb," bulong n'ya sa tenga ko.
Hindi ko pinansin ang sinabi nya at mas lalo ko lang diinin ang aking sarili sa dibdib n'ya. Ang sarap sa pakiramdam.
Hinubad n'ya ang kan'yang t-shirt at pinaibabaw ito sa akin.
"You should wear it, kitang-kita ko ang kulay pula mong bra mula rito."
Bigla akong napayakap sa sarili ko. I was wearing a White Floral dress at manipis lang 'yon. I did not wear my tube kasi hindi ako komportable.
"Tumalikod ka na lang!" Nangangatal kong sabi.
Nangunot ang noo n'yang tumingin sa akin.
"I have no bad intention to you, kahit makita pa ang bra't panty mo hindi kita gagalawin, mataas ang respeto ko sa'yo noon pa man."
Lumapit s'ya sa akin at muli akong niyakap ngunit ngayon ay mas mahigpit pero may pag-iingat.
"Walang ibig-sabihin ang pagyakap ko sa'yo, ayoko lang na magkasakit ka dahil hindi ko obligasyon ang alagaan ka."
Tinulak ko s'ya palayo at yumuko.
"Bakit ka ba gan'yan? I hate the way you're so kind to me! Iniwan kita 'di ba? Bakit hindi ka man lang magalit?" Tanong ko na nakayuko pa rin.
"Dahil babae ka, babae rin ang nanay ko kaya mataas ang respeto ko sa inyo...sa kahit sinong babae. Walang malisya sa ginagawa ko, Saturn, nakikita ko sa'yo ang nanay ko, pasensiya na."
Konting katahimakan ang bumalot sa aming dalawa at tanging malakas na ulan lang naririnig sa tahimik na paligid.
"I want you to stop, hindi ako ang nanay mo kaya tigilan mo na ang pagiging mabait sa akin. I hate it and I hate you."
Bakas ang pagkagulat sa mukha n'ya nang sabihin ko ang tatlong huling salita.
Tumila na ang ulan at nagsimula na muling magtrabaho ang lahat ngunit marami ang nahihirapan dahil maputik.
"Patigilin n'yo mula silang lahat, hindi magiging maganda ang trabaho kung maputik ang daan, baka may madisgrasya pa sila." Sabi ko kay Eya ang Assistant ko rito sa Elvañia.
"Masusunod po Madam," aniya at pinauwi na ang lahat.
Tumingin ako sa may dagat at marami pa rin ang pumapalaot para mangisda.
"Manong Pule! Umuwi na ho kayo, delikado ang panahon ngayon!!" Sigaw ko at tumango naman ang mga ito.
Noong araw ay lagi akong sumasama sa kanila para mangisda, ako ang taga-itsa ng lambat tapos sila naman ang taga-higit 'pag marami nang nakuha.
Sa totoo ay si Papa ang nagturo noon sa akin dahil wala naman daw makakapagsabi ng magiging kapalaran mo sa buhay. Mas mabuti nang alam mo ang mga gawain ng karamihan kaysa umaasa ka sa wala.
"Aba'y narito kana pala muli, kailan pa?" Tanong ni Manong Pule na kakababa lang sa bangka.
"Kanina lang ho, balita ko ay pahirapan na raw makabenta."
"Oo nga e, kokonti lang ang nahuhuli naming isda ngayon dahil madalas ang pag-ulan dito. Ang Elvañia ay unti-unti nang nawawalan ng turista." Malungkot niyang balita.
"Andito na ako, Manong Pule, magiging maayos na muli ang Elvañia. Nagpapatayo na si Papa ng sakahan natin sa para hindi na tayo mawalan ng supply. Kayo nga ang nais kong kunin para magdeliver dito kung sakali."
Nagtinginan sila at sabay-sabay na tumango sa akin bilang pagsang-ayon.
"Ayos na iyon, mas maganda dahil hindi kami makapalaot nang dire-diretso, atleast may iba kaming trabaho kung sakaling walang mahuli. Tawagan mo na lang kami kung kailan ang simula."
Ngumiti ako. "Maraming salamat sa inyo, makakaasa ho kayo."
Isa-isa na silang umalis at umuwi na sa kani-kanilang pamilya.
Magdamag ko s'yang hindi nakita, siguro'y may ginagawa na naman sa kan'yang laptop. Ang mahal n'yang laptop.
Napagpasyahan ko munang umupo malapit sa Balcony ng building namin kung saan kitang-kita ang kagandahan ng Elvañia. Kahit masama ang panahon ay hindi ko iniinda ang lamig.
Ang sarap kayang mapag-isa, 'yong walang bumabagabag sa utak mo, tapos tahimik, walang maingay, walang stress.
Hindi ko nga alam kung bakit walang kahit isang katiting na galit si Papa kay Brennon, my Mom was raped by his Dad at parang wala lang 'yon kay Papa. Hindi s'ya nag-iisip ng masama sa anak ng gumahasa sa asawa n'ya, mas lalo n'ya pa nga kaming pinagdidikit samantalang si Tita Maris ay ayaw na ayaw kaming magkasama.
We're on 6 years relationship at sa anim na taon na 'yon, tago ang relasyon naming dalawa at tanging si Papa lang ang nakaka-alam sa buong lahi namin. Ayaw naming ipaalam dahil galit na galit ang pamilya namin sa pamilya ng mga Caciendero.
Umabot ang lahat sa korte, pero natalo kami dahil walang proweba ang nakita, tanging si Mama lang ang makakapagsabi ng lahat kaso bago pa mangyari ang demandahan, nauna na s'yang mamaalam.
Ang sakit tignan dahil magkaiba kami ng panig na pinagsamahan. He's on his Dad side while me... definitely on my Mom. Nagtitinginan lang kami kung may pagkakataon.
Kita ko rin noon na nahihirapan s'ya sa kalagayan n'ya dahil sa tatay n'yang hindi pa umaamin sa kasalanan. Wala kaming laban. Wala naman kami ro'n no'ng gahasain si Mama kaya wala rin kaming alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari.
Until Tita Maris came. Nalaman n'yang may karelasyon ako sa isa sa pamilya ng Caciendero. She enters our relationship hanggang sa magkanda gulo-gulo na ang lahat. Gumulo ang relasyon namin. Sinira n'ya ang lahat.
Alam ko naman s'ya ang may pakana kung bakit nawalan ng malaking pera ang Elvañia. Alam n'yang mauuto n'ya si Papa. S'ya rin ang dahilan kung bakit pabagsak na ang Company ni Papa sa Singapore at naging dahilan ng tuluyan kong pag-alis dito sa Pilipinas at tuluyang nakapag-hiwalay sa aming dalawa.
Hanggang ngayon, bawal maging kami, bawal kaming magsama dahil paniguradong mauulit muli ang nangyari sa nakaraan. At ayoko na 'yong mangyari dahil lahat kami madadamay na naman sa makamandag na plano ni Tita.
Sa huli, kapakanan ko pa rin ang iniisip n'ya imbis ang sarili n'ya.
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomantikCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...