"May kasama s'yang dalawang babae, 'yung isa ay mukhang may edad na at 'yung isa naman ay... She's pretty, mukhang barbie doll. " Dugtong nito.
Napahawak ako sa t'yan ko. Hindi ko inaakalang pinag-uusapan lang namin 'yon kanina at ngayon ay nagkatotoo na. Alam ko namang hindi ako kasing ganda ng iniisip n'ya, pero ang sa akin lang naman ay maging totoo s'ya. Pagod na akong makarinig ng kasinungalingan.
"A-anong pangalan no'ng resto?" Pinipigilan kong hindi humikbi habang kausap s'ya sa telepono. Sa kung paano n'ya pa lang ilarawan ang babae ay nasasaktan na ako.
Hindi ako mukhang barbie doll kagaya ng sinabi n'ya. I'm just a normal girl living on this fucking world with shits people around me.
"Sa MilkyWay Cafe."
Mas lalo akong napapikit sa nalaman. Doon kami nagdiwang ng first anniversary naming dalawa. Tanda ko rin no'ng sinabi n'ya sa akin na ako pa lang ang una n'yang nadadala sa lugar na 'yon. Pero ngayon, hindi na ako kun'di iba na.
Binaba ko ang tawag at dahan-dahang pumunta sa damitan ko. Humarap ako sa salamin at tinititigan ang aking sarili. I'm so ugly!! Hindi na ako kagaya noon na payat at kaya pang magsuot ng mga fitted dress.
Siguro ay nagsawa na iyon sa akin, nagustuhan n'ya lang ako dahil sa itsura ko noon. I'm wearing a long duster, at nagmukha akong manang do'n dahil sa kahabaan ng buhok ko at maputi kong balat. Ang dati kong collar bone na kasagsagan sa ganda ay nawala na.
I looked like a crying pig!
Pumara ako ng taxi at agad nagtungo sa lugar kung nasaan s'ya at ang babae n'ya. Walang tigil sa pagpatak ang luha ko habang nasa byahe.
Sa sobrang pagtiwala ko sa kan'ya, hindi ko na naisip na may pagkakataon pa rin pala s'yang maghanap ng iba. Sa sobrang pagtiwala ko ay hindi ko na naisip ang sarili ko na kahit anong oras ay pwede akong masaktan. I'm so stupid to put my trust on him.
Nang makarating kami sa resto ay agad kong nakita ang pwesto nila. Para akong tangang nakatingin sa kanila, nanonood kung paano ngumiti 'yung babae kapag kausap s'ya. Hindi ko maiwasang makumpara ang sarili ko sa babae, maganda s'ya at totoo ang ang sinabi no Jiji. She looks like a barbie doll.
May dimples, puting-puti ang mga ngipin, maputi at kumikintab ang balat sa sobrang kinis, medyo kulot ang buhok, ang mga mata n'yang bilog na bilog, ang labi n'yang mapula, ang pilik mata n'yang makapal at mahaba. Naiinggit ako dahil ang ganda n'ya kahit wala s'yang make-up na suot.
She's wearing a simple crop top and jeans that'll make her more attractive and elegant.Ang isang babae naman ay halos kamukha no'ng isa ngunit mukha lang itong may edad. They're look like a crystal inside. Lahat ng tao ay napapatingin sa kanila. They're not wearing any accessories, simpleng damit at ayos lang ang meron sila.
Naramdaman kong naglalakad mag-isa ang paa ko papasok sa restaurant na iyon. Nang makalapit ako ay unti-unti kong binuksan ang pintuan at tumapat sa kanila.
Mukhang nakuha ko naman ang atensyon no'ng dalawa kaya napatingin ito sa akin. Parehas silang nakangiti habang pinagmamasdan ako simula ulo hanggang paa.
Napawi lang ang mga ngiti nito nang sunod-sunod lumandas ang luha ko sa aking mukha. I shifted my eyes on Brennon. Nakita ko ring nagtaka ito sa tinitignan ng mga babae kaya lumingon s'ya sa gawi ko.
Kitang-kita ang gulat sa itsura n'ya.
I shook my head. "You're son of a bitch, Brennon!!" Umalingaw-ngaw ang boses ko sa buonh restaurant kaya napatingin ang lahat sa akin."Saturn, that's not what you think." Sinubukan n'yang hawakan ang kamay ko ngunit isang malakas na sampal ang naigawad ko sa kan'ya.
Nagsimula ang bulung-bulungan sa paligid."Pinag-usapan pa natin 'to kanina! Kaya pala nagmamadali kang lumabas ng kwarto ko dahil dito ang sugod mo!!"
Hindi ko na mapigilang humikbi habang nagsasalita sa unahan nilang tatlo. I may look like dumb here, wala akong pakialam dahil may karapatan ako.
"I said that's not what you think!!" Singhal n'ya.
"Ikaw pa may ganang magalit ngayon! Ikaw na nga 'tong nahuli kong nakikipagkita sa iba! Ang lakas ng loob mo!!"
Tumayo s'ya at hinawakan ako sa magkabila kong braso. "You misunderstand everything, baby."
"Misunderstand kasi hindi na ako, nag-uusap kayo kung paano mo ako hihiwalayan, kung paano mo ako tatalikuran nang basta-basta?"
Sinubukan kong pumiglas ngunit isang mainit at mapusok na halik ang ibinigay n'ya sa akin. Hawak n'ya ang bewang ko gamit ang isa n'yang kamay at ang kabila naman ay nasa aking pisngi.
Maraming tao ang nakatingin sa amin pero hindi s'ya natinag sa paghalik sa akin. Kahit anong sulok ng labi ko ay hindi n'ya pinapalampas. Pakiramdam ko tuloy kadiri ang ginagawa naming dalawa.
Tumigil s'ya sa paghalik sa akin at may dinukot na kung ano sa bulsa n'ya. Kinuha n'ya ang isang kamay ko at lumuhod sa harap ng maraming tao.
"I don't want you to leave, kaya bago ka pa magdisisyong umalis ay patitigilin na kita. Kahit hindi ngayon ang araw na plinano ko, wala akong magagawa dahil luluhod at luluhod ako sa'yo maangkin ka lang."
"Saturn, this is my mother and my sister, I forgot to tell you. My mother was forcing me to come with them in Palawan, binabaliwala ko ang mga tawag nila dahil ayokong iwan kang mag-isa, ayokong iwan ang lugar kung saan tayo nagsimula. This is our home, baby."
"Then after our argument, nakiusap akong makipagkita sa kanila to explain everything about us. I know you saw them smiling and it's that because I tell them about us, I'm having a family now so I can't leave, I like here."
"Ipinakita ko sa kanila ang singsing na balak ko sanang magpropose sa'yo sa anniversary natin. But I don't have a choice, ayokong umalis ka, I want you to stay. Kaya ngayon pa lang, Ms. Saturn Vessaki, can I have the privilege for you to be my wife, my girl, my queen of everything. May I have your hand to serve mine?"
Napatingin ako sa dalawang babae na katabi n'ya. I thought they are someone, hindi ko sila kilala at mas lalong hindi ko pa sila nakikita.
Mas lalong dumagsa ang luha ko habang nakatingin sa kan'ya. I didn't expect this will happened..."Bakit ba kasi nagpapakasuspicious ka pa?" Humagulgol ako.
Tumango ako at agad n'ya namang sinuot ang kumikintab na singsing sa akin. Tumayo s'ya at mahigpit akong niyakap. Buong tao sa restaurant ay naghiyawan at nagpalakpakan dahil sa tuwa.
Lumipas din ang ilang minuto ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Magkahawak ang kamay naming dalawa, kaharap ang magulang at kapatid n'ya. I'm still jealous because she's to much prettier than me.
"Nagkaroon ako ng asawang iba pero hindi kami nagtagal, gusto n'ya lang ang kayamanan at lupa ko kaya n'ya ako pinakasalan. And we broke up after that. No'ng nalaman ko namang nakulong ang ama ni Brennon. I'm blaming myself because I left them. Hindi ko s'ya nagabayan ng ayos at nadamay pa s'ya sa katangahan ng ama n'ya."
"Bata pa lang si Brennon no'ng umalis ako. He's very kind and gentleman person. Kahit iniwan ko s'ya sa tatay n'ya, hindi s'ya nagalit sa akin. He's very young to understand everything. Sakal na sakal na ako sa ama n'ya kaya ko 'yon ginawa, but he just said 'it's okay Mama, ako na lang magbabantay kay Papa'."
"Hindi ko inaakalang magiging matalinong bata ang anak ko. Hindi ko rin inaasahang aabot sa punto na tatanggihan n'yang sumama sa akin dahil ayaw n'yang malayo sa babaeng mahal n'ya. He said 'I'm having my own family, Mama. Ayokong magaya s'ya sa akin na hiwalay ang pamilya. I want my girl to be safe here with me, sasamahan ko s'ya kahit saan pa 'yan. I will be always by her side no matter what happens."
Napangiti ako sa kwento ng nanay n'ya. I thought he's cheating, pero ito pala ang nangyayari. Akala ko hindi n'ya na ako mahal. Ako lang pala ang nag-iisip no'n.
I'm so happy to be his girl. Sobrang saya ko dahil kahit hindi ako kagaya ng iba, ako pa rin ang pinili n'ya.

BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...