Chapter 24

187 7 0
                                    

"Manalangin muna tayong lahat bago magsimulang kumain." Panimula ni Mama.

Naghawak-hawak kami ng kamay. Katabi ko si Gace at Solem. No'ng nalaman n'yang maghahawak-hawak ng kamay ay sumingit s'ya sa tabi ko at ngumiti sa akin.

"Ako ang hahawak sa kamay mo."

Nakita kong napasinghap si Gace kaya napapikit na lang ako.

"Ama naming nasa langit, maraming salamat sa lahat nang pagkakataon na binigay mo sa aming buhay. Maraming salamat sa paggabay sa amin, sa pagbibigay ng walang katapusang grasya. Panatilihin mo sana ang aming kaligtasan at malayo sa mga problema. Amen."

Nagsign of the cross muna kami bago simulan ang tanghalian. Maraming inihaw na pagkain ang nakahain sa lamesa kagaya ng, tilapia, barbeque, manok at ibang seafoods na pinirito.

"Eat this." Sabi n'ya at inilagay ang litsong kawali sa plato ko.

Ngumiti naman ako sa kan'ya at sumubo ng isa. Medyo nangasim ang sikmura ko sa lasa ng Mang Tomas kaya nailuwa ko 'to.

"Oh my god, Saturn, are you okay!?" Tumayo sila para daluhan ako.

"Sino bang nagluto n'yan, hindi masarap!" Singhal ko at naghagilap ng tubig na maiinom.

Nakita kong tumikim si Gace ng litsong kawali at nakitang napangiwi rin siya.

"It's too salty." He respond firmly.

"Ano ba 'yan, Pa. I thought you taste it before, bakit gan'yan ang lasa?" Natatawang sabi ni Mama.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Brennon.

"Just ate t-this," nauutal n'yang sabi habang nasa akin pa rin nakatingin.

I know he's curious and also nervous. Pero wala naman dapat ikatakot dahil si Gace na ang nagpatunay na 'yong pagkain ay may diperensya.

"Thanks." I gave him a little smile.

Hanggang sa pagsubo ko ay nakatitig lang s'ya sa akin. Inoobserbahan ang magiging kilos ko, pero nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na nailuwa ang pagkain.

Natapos ang kabado kong tanghalian ay tumambay muna kami sa cottage habang sina Mama at ang mga pinsan ko ay abala sa pagliligpit ng gamit.
Ayokong tumulong e, bakit ba? Ang init kaya sa labas.

"I'm nervous you know?" Singit n'ya nang makaupo kami.

"Ako rin, akala ko ako lang nakakalasa ng gano'n." I laughed.

"No'ng nailuwa mo 'yong pagkain, I really thought that you're pregnant." He sighed.

"Salamat talaga kay Gace dahil kung hindi maalat ang lasa no'ng litsong kawali na 'yon. Mapaghihinalaan pa akong buntis." I bite my lip harshly.

Alam kong may nangyari sa aming dalawa at hindi imposibleng magbunga 'yon. But as long as I'm not feeling weird, hindi ko sasabihing buntis ako.

Gusto ko munang makasigurado bago sabihin sa lahat na nagdadalang tao ako.

"Hey, you look pale." He grab my chin and look directly at my eyes.

"You're not pregnant, but I'm here. Kung buntis ka man, I'll be responsible for you, okay?" He kissed my forehead.

Matindi ang takot ko dahil baka kung ano ang masabi nila Mama kay Brennon. Baka isipin nilang pinagsamantalahan n'ya ako habang lasing ako.

"Iloveyou, Saturn. Sa oras na malaman kong buntis ka, ititigil ko ang lahat para lang maalagaan ka."
Kinulong n'ya ako sa kan'yang bisig at hinalikan ang batok ko.

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon