Chapter 28

226 7 2
                                    

Kasama kong umuwi ang nanay ni Brennon. Nakausap rin ang kapatid n'ya, hindi ko pa rin mapigilan ang mainggit, she's so humble and her voice is so cute!!

Harley Clyre ang pangalan n'ya. Kahit sa pangalan ay hindi pinagbigyan, maganda pa rin.

"Omo!! We have visitors!!" Tuwang-tuwa si Mama dahil may makakakwentuha na naman s'ya. Nabobored na raw s'ya dito sa bahay dahil laging busy si Papa sa resort namin. Hindi n'ya raw maka-usap ng ayos.

Humarap ako sa kanilang lahat at ipinakita ang kamay kong may singsing. Gulat na gulat ang reaksyon nila.

"I'm engaged," marahan kong sabi.

"Oh my gosh!!" Maarteng sabi ni Cendal na may pagpaypay-paypay pang nalalaman gamit ang kamay n'ya.

"That fast?" Natatawang giit ni Clemson.

"Kailan nangyari, bakit wala kami ro'n?" Nakasimangot si Mama.

"Pinuntahan ako ni Saturn sa resto, akala n'ya ay babae ko ang kapatid ko. Balak ko sanang magpropose sa anniversary namin kaso baka iwan ako e." He laughed.

"Takot ka pala e, si Saturn lang 'yan. 'Wag ka matakot d'yan." Tumawa ang lahat sa sinabi ni Solem.

"Of course I'm scared, Everyone will be scared if they lose their love one's." Untag nito sabay tingin sa akin.

"Edi wow, kayo na."

Nagtungo agad kami sa kusina para kumain, nagkumpul-kumpulan ang iba at nagsasarili ng usapan. Nagsama-sama sina Mama at ang nanay ni Brennon, at ang mga pinsan ko naman ay may sarili ring mundo kasama si Gace. Kaming tatlo lang ni Brennon at ang kapatid n'ya ang magkasama.

"No'ng unang kita ko sa'yo alam kong ikaw 'yung tinutukoy ni Kuya." Humagikgik na sabi ni Harley.

Ngayon lang ang unang beses ko na magkagusto sa kapwa ko babae. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kan'ya. She's just too perfect. Kahit si Clemson kanina ay mukha ring natamaan sa kan'ya. Kanina n'ya pa tinatanong sa akin ang pangalan ni Harley at mukhang nalaman n'ya naman agad dahil hindi na makatiis ang mukong, tinanong na ng kusa.

"No'ng unang kita ko sa'yo, akala ko kabit ka ng nobyo ko." Natawa naman s'ya sa sinabi ko.

"Alam ko naman gan'yan magiging tingin mo sa akin. Sabi ko kasi kay Kuya sabihin ang tungkol sa amin ni Mama kaso ayaw n'ya. Baka raw mastress ka kapag nalaman mong aalis s'ya." Ngumuso ito at tumingin sa lalaking katabi ko.

"Oy!! Teka lang, makinig ang lahat." Lahat kami napatigil sa ginagawa nang magsalita si Mama.

"Brennon at Saturn, kailan ang kasal?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong ni Mama. Nahiya ako bigla dahil hindi ako sanay na nasa akin ang atensyon ng lahat. At hindi ko balak magpakasal na ganito kalaki ang t'yan ko.

"Siguro kapag nanganak na po ako." I smiled shyly.

"Ay gano'n ba? Kailan malalaman ang kasarian ng bata?" Tanong ng nanay ni Brennon.

"Pupunta po kami ni Brennon sa OB bukas." Tumango sila bilang pagsang-ayon.

"I want a baby girl, para sweet." Napatingin ako sa sinabi ni Brennon.

"Akala ko lalaki para tropa tropa kayo."

"Hindi lahat ng ama ay lalaki ang gusto sa magiging anak nila."

Napangiti ako sa sinabi n'ya. Gusto ko rin kasi ng babaeng anak. Habang abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan, nauna na kaming nagpaalam para makapagpahinga na ako. Nasakit kasi ang puwet ko dahil hindi naman malambot ang aking inuupuan.

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon