I started a new day, drinking coffee while lying down on my carpet. Looking at the beautiful sky.
"Bakit hindi kanin ang kinakain mo?"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat nang marinig ko ang boses ni Papa sa gilid ko. I don't know but I think kanina pa s'ya rito. I'm wearing my earphone kaya hindi ko ramdam ang presensya n'ya.
"I'm not hungry Papa. Gusto ko munang makaramdam ng kaginhawaan kahit saglit." Saad ko.
"Bakit aren't you happy-" I cut him.
"How can I be happy after being chained by Tita's dirty tricks, and now I found out that Mom is successfully passed that operation!"
"I know this is hard for you, Saturn. But now, let it go. Walang patutunguhan ang galit mo, anak." Bumuntong-hininga ako.
"I know, Pa. Hindi naman siguro masamang magalit pagkatapos ng nangyari sa akin, 'di ba?"
"Just let it-"
"I want to be alone, Pa. Kahit ngayon lang. I want to rest."
Pumikit ito at tumango. Wala s'yang nagawa kun'di umalis na lang. Kahit anong gusto kong tahimik na paligid, sila talaga mismo ang lumalapit sa akin.
I just want some peace of mind. Gusto ko munang hindi alalahanin mga problemang pinagdaanan ko. Gusto kong maunawaan nila 'yon but they keep reminding me that fucking problems.
"Want some wine?"
Napairap ako sa kawalan nang makita ko ang presensya ni Brennon sa harap ko.
"Kita mong nagkakape ako, balak mo bang patayin ako?" Pagsusungit ko sa kan'ya.
"I thought that's a wine, kulay itim kasi." He laughed.
"Hindi kulay itim ang kape at lalong hindi rin kulay itim ang alak. Wine is a dark shade of red while coffee is dark brown. Remember that, Mr. Casiendero."
Sumulyap ang ngiti nito sa kan'yang labi kaya napasimangot ako. Pinagtitripan 'ata ko ng lalaking 'to.
"Bakit ba ang sungit-sungit mo kung kailan andito na ako sa tabi mo?" He lean closer to mine while looking directly at my eyes.
"Una sa lahat, hindi mo sinabi sa akin na nakalaya kana, pangalawa, hindi ka man lang nagsabi o nagpadala kahit letter na may taong tumulong sa'yo para makaalis ka sa presong 'yon!" Tinulak ko s'ya palayo ngunit mas lalo lang itong lumapit.
"That's not a big deal, ang importante kasama mo ako ngayon." He smirks. "We'll continue our love story, honey. Hindi ko hahayaang iba ang makakasama mo sa huling kabanata ng kwento nating dalawa."
Kumabog ng malakas ang puso ko. Parang sa simpleng salitang 'yon ay naging kampante ako na hindi n'ya na ako iiwan. Na kahit papaano nabawasan ang pangangamba ko na sa susunod wala na muli akong matatakbuhan.
"Kahit ilang taon na ang lumipas, mahal pa rin talaga kita." Our eyes met. "Sobrang mahal."
Hindi ako makapagsalita. Walang kahit anong salita ang pumapasok sa utak ko. Nasa kan'ya lang ang aking paningin, nakatitig sa mala-anghel n'yang mukha. Napaisip tuloy ako, may ganitong klaseng tao pa pala sa mundo. Kayang maghintay kahit ilang dekadang taon pa ang lumipas. Kahit ilang beses mo s'yang pinagtabuyan, sinaktan.
"Can you do this one thing for me?" He asked.
"Promised me-"
"I can't," Umiling ako.
"Bakit?"
"Ayoko nang nangako, Brennon! Ilang beses na akong nangako sa'yo pero natupad ba? Hindi, you ended up being hurt!" Namamaos ang boses ko nang masabi iyon.
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...
