PS: Medyo mahaba po ang part na ito. This will be the last part of Chasing Behind Her Story. I hope you like it and this is not yet the edited version so please bare with me. Thank you, Savies! More stories to read! 😚♥️
Brennon's POV
Ilang taon na akong nakakulong dito. Walang dumadalaw, lagi lang akong nasa loob ng selda at parang baliw na nakatulala.
Palagi kong iniisip ang kalagayan ni Saturn. Walang lumipas na araw na hindi ko s'ya naaalala. Palagi kong pinagdadasal na sana maayos ang kalagayan n'ya ngayong kasal na s'ya sa iba.
Nasasaktan ako, naiiyak sa t'wing naiiisip na baka masaya na s'ya sa piling ng iba habang ako ay mukhang mabubulok na rito. Sa mabaho, marumi at maraming masasamang tao na hayok na hayok makalabas ng kulungan.
"Brennon Casiendero, may bisita ka." Namilog ang mata ko sa sinabi no'ng police. Hindi ko itatanggi na kinakabahan ako at may parte sa akin na ayaw lumabas o magpakita kung sino mang tao ang gusto akong makita.
"Bakit daw?"
"Mukha bang alam ko? 'Wag ka nang magtanong at lumabas ka na lang d'yan." Pumasok ito at hinigit ako patayo.
Nang makalabas ako ay isang magandang babae ang bumungad sa akin. Hindi ko s'ya kilala at sigurado akong hindi ko pa s'ya nakikita noon pa man.
"30 billion and let him free."
Nagulat ako sa salitang lumabas sa bibig n'ya. I didn't expect her to say it. Umupo lang s'ya sa harap ko para iparinig ang mga salitang iyon.
"Madam—"
Tumayo ito at may binulong sa lalaki. Kita ko namang tumago-tango ito. Napagtanto ko na lang ang kamay kong malaya nang nakakagalaw at wala ng posas na nakatali.
"30 billion, deal." Bumaling s'ya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Nagkunot-noo naman ako at tinanggal ang kamay n'yang nakahawak sa akin. "Who the fuck are you?"
Bahagya naman itong natawa. "Ikaw na nga itong tinulungan at pinalaya, ikaw pa may ganang magalit. I should be the one who's mad here."
"Should I thank you for helping me?"
Napatingin ako sa mga alahas n'yang kumikinang tuwing gumagalaw s'ya. Her face looks familiar but I don't know her. Parang may kamukha s'ya."If you insist. But for now, I need you."
Dalawang taon na ang lumipas at magkasama kami sa iisang bubong. I'm living with a girl I don't know. Even she's kind, hindi ko pa rin magawang magtiwala sa kan'ya.
I'm trying to ask about her past life but she's not responding, she keeps ignoring me. Lagi n'yang sinasabi na hindi s'ya interesadong pag-usapan ang nakaraan n'ya.
"Nagkita na ba tayo noon? Kilala ba kita?" I asked her.
"Kung ano ang naaalala mo 'yun 'yon."
"Hindi naman ako nakalimot, nakulong lang ako." May halong tabang kong sabi.
"Ang ibig kong sabihin, kung sa tingin mo ay nagkita na tayo edi 'yon ang sagot sa tanong mo."
Laging gan'yan ang sinasagot n'ya tuwing magtatanong ako. So I ended up being curious everyday.
At nang dumating ang araw na nabalitaan kong nasa Pilipinas na ulit si Saturn. Kinakabahan ako at natatakot. I'm scared, I not yet ready to face her. Lalo na no'ng nalaman kong pumunta s'ya rito sa Cacienda para lang makita ako.
"Chill man, kahit ako ngayon ko lang nalaman na umuwi pala s'ya r'yan sa Pilipinas." Ani ni Jules.
"I thought I can trust you, andito na si Saturn sa Cacienda and she's looking for me!" Iritado kong sabi.
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomansaCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...