-Chapter 29

534 17 9
                                    

Chapter 29 || A cousin

[under proofreading, you may encounter bit errors, please understand.]

"Aray! Bakit kasi hindi ka nagsasabi na dito pala tayo dadaan sa school ground? Alam mo namang mabato dito, muntik pa'kong matalisod." Himutok ko nang madaplisan ng nakausling bato ang suot kong sapatos. Mabuti nalang talaga at mabilis akong nakahawak sa balikat ni Patricia kundi sa semento na naman ang bagsak ko.

"Kakalabas mo lang ng ospital no'ng isang araw at baka hindi ako makapagpigil na batukan ka, Sandra. Ikaw 'tong wala sa sarili. Para kang zombie na naglalakad tapos ako pa sisihin mo? Tama na kakaiyak, hindi ka pa napapagod? Kulang nalang labasan ng perlas 'yang mga luha mo, jusme naman." Argumento nito na banayad na dumistansiya sa'kin. Mukhang nagpipigil na mabatukan nga ako. Tama nga si Patricia, ako ang may kasalanan kung bakit muntik na naman akong mauwi sa katangahan.

Hindi ko mapigilang umiyak kahit pangalawang araw ko na ngayon dito sa Del Cortez Academy simula nang makalabas ako nang ospital—hindi ko pa rin makalimutan ang huling text ni Gerald kay Alex nang gabing ihatid niya kami ni nanay pauwi. Kahit sa inyo'y maliit na bagay, iniyakan ko 'yon to the point na hindi pa humuhupa lahat ng bigat dito sa dibdib ko. Sinabi niya sa text na mahal niya ako pero hindi ko pwedeng malaman? Inaalam niya ang kalagayan ko pero hindi niya ako magawang puntahan o bisitahin man lang kahit sandali? Hindi ko siya lubusang maintindihan. Mahal niya nga ba ako o talaga bang minahal niya ako? Siya pa din nagpapagulo sa diwa ko na parang hanggang ngayon, pinapahirapan niya pa rin ako. Ano, hindi pa ba game over ang lahat? Grabe, hanggang ngayon nagagawa niya pa rin akong saktan.

Niyakap ko si Patricia kahit nasa gitna kami ng school ground, wala akong pakialam. Umiyak ako sa mga bisig niya saka isinubsob ang mukha ko sa balikat niya upang mapagtakpan ang balat-sibuyas kong awra. Naramdaman kong hinahagod niya ang aking likuran.

"Iniisip mo pa rin ba 'yong text ni Gerald? Busy lang 'yon pero hindi ibig-sabihin na ayaw niyang malaman mo na nagcacare siya sa'yo ay dahil sa pride niya. Marami lang 'yon na inaasikaso."

"Inaasikasong ano? Kung busy naman talaga siya, pwede naman niya akong kausapin. Pwede naman niya akong directly na itext kahit sa messenger, mabilis naman akong mag-respond. Pakiramdam ko, iniiwasan niya lang ako. Sana naman sinabi niya sa'kin na tapos na obligasyon ko sa buhay niya, or kung back to strangers na ba kami talaga kasi nalilito ako! Hindi ko alam kung maayos ba talaga kami kasi napakalabo niya." Mangiyak-ngiyak kong eksplanasyon kay Patricia na nakuha pang palubagin ang loob ko. Kumalas ako sa'ming yakapan. Inayos ni Patricia ang buhok kong dumikit sa pisngi dahil sa luha.

"Huwag ka ngang umiyak. Baka sabihin ng mga estudyante dito, binubully kita. Huwag mo munang isipin si Gerald, unahin mo muna mga paperworks na kailangang habulin, okay?" Muling paalala nito sa tambak na sched ko dahil sa limang araw na leave ko sa klase. Huminga ako ng malalim. Medyo nahimasmasan ako sa paalala nito. Hindi healthy sa'kin kung lulunurin ko ang aking isip sa kalungkutan. Masiyado nang abuso ang pag-ibig sa'kin, siguro it's time na kailangan ko rin ng pahinga. Siguro nga nagiging selfless ako dahil first time kong mainlove, first time kong makaramdam ng ganitong kataas na lebel ng pagkagusto na mas higit sa crush at infatuation. Hindi ko pwedeng hayaan na lamunin ako ng anxiety dahil lang nalugi ang puso ko. Mahal ko si Gerald pero siguro ito 'yong sign na kailangan ko din munang mahalin ang sarili ko. Enough na 'yong pinagdaanan ko para ipatikim sa'kin na ganito lagi sa battle ng mga sitwasyon. Napagtanto kong hindi ako magaling maghandle. Minsan kahit tapos na lahat, hindi pwedeng sabak ulit sa panibago. Kailangan mo din ng pahinga. Sa bawat trial kahit sa pag-ibig pa 'yan, kailangan mong magpause and reflect.

"Walang permanente sa mundo, Sandragon. Ang tanging nananatili dito ay pagbabago kaya masanay ka na. Hindi naman sa isang iglap ng isang barrier ay pwede ka nang magproceed sa nakasanayan mo, syempre maraming magbabago."

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon