Sandra's POV || scandal?Mabuti nalang at sabado ngayon kaya yakang-yaka ng powers kong magpuyat tapos di pa gigising ng maaga. Sa totoo lang, napaka-batugan ko kapag babangon sa umaga, like pati almusal nadadamay kaya minsan nalilipasan ako pero minsan lang naman mangyari iyon. Ayoko namang madapuan ng ulcer, mahal ko yata ang kalusugan ko.
Pasado alas-diyes na ng gabi pero heto ang dalawang pares ng mata ko ay kapwa nakatutok sa cellphone
—oo tama cellphone nga kasi iyon lang naman gadget ko sa bahay. Buhay-maralita ang kinalakhan ko kaya asahan niyo na. Atleast kung ano man ang nararating ko ngayon ay kuntento na'ko doon. Nako sinasabi ko sa inyo, hindi lahat ng meron tayo ay matutumbasan ng kayamanan, ni hindi mo nga iyan madadala sa kabilang buhay.Kahit malapit-lapit na sa hatinggabi ang kailaliman ng oras ay hindi iyon alintana. Wala namang nakakatakot sa pagpupuyat pero huwag mo lang dalasan lalo na kung walang kapuyatan. Pampalipas-oras ka lang, remember? Charot.
Medyo nangangalumata na'ko at akmang magpapasiyang mahimbing na sa papasimulang antok nang makaulinig ako ng bibrasyon mula sa aking cellphone. Nakabukas pa kasi ang data connection kaya pumapasok pa rin ang mga maiingay na notifications.
Kahit papikit-pikit sa pagkakatalungko ko sa upuan ay di pa rin ako nakatiis na silipin ito. Mahirap na at baka mamaya niyan, burol na pala ni Gerald mokong—sagot ko na ataul niya. Biro lang, sa buhok ko mismo pinapatay si Gerald, bakit? Wala lang naman, para siyang kuto na masarap tirisin. Teka bakit pumasok na naman sa eksena si Gerald?
Ang tila sumisingkit kong mata ay biglang nanlaki na parang mahuhulog ang mga talukap ko dahil sa notipikasyong nakarehistro.
[ two messages delivered from Patricia Salvador and Gerald Cortez ]
Hindi naman nakakagulat ang kaso kay Patricia dahil buong kadramahan niya sa buhay ay inuupdate niya talaga sa'kin unlike kay Gerald na ngayon lang nag-message. For sure naman, puro kalokohan lang mga sasabihin no'n. Una kong binuksan iyong kay Patricia.
/ conversation on chat with Patricia Salvador /
Patricia: [ hoy bruhilda, bakit gising ka pa? ]
Sandra: [ sabado ngayon kaya malaya ako.]
Patricia: [ araw ba ng kagitingan ngayon? Makapagsalita naman ng malaya ito, akala mo kasapi ng gerilya. Ipagtatayo na ba kita ng rebulto o bantayog? ]
Sandra: [ ayan ka na naman sa pamimilosopo eh! Ibig ko kasing sabihin, pwede talaga ako magpuyat dahil wala namang pasok bukas. ]
Patricia: [ aba'y sorry naman, dyosa lang nagkakamali, parusahan kita diyan eh! ]
Sandra: [ HAHAHAHA sira ka talaga. Ikaw, bakit gising ka pa? Alam ko pa namang sa pagitan nating dalawa, ikaw ang takot sa malaking eyebugs. Nalahian ka ba ng kuwago? ]
Patricia: [ napakabusabos ng bibig mo ghorl, di ko kinakaya! Hindi ba pwedeng tinatapos ko lang mga assignments na ipapasa sa Monday?]
Hindi naman ako nagulat sa dahilan ng kaniyang pagpupuyat. Rich kid kasi itong si Patricia kaya kahit papaano'y nahawaan siya ng mayayamang tamad pagdating sa pag-aaral. Pero kahit iresponsable iyang kaibigan ko, tanggap ko siya dahil iyon naman talaga ang mahalaga. Walang perpekto pagdating sa pakikipag-kaibigan pero ang importante kahit magkaiba kayo ng gawi, mga gusto at di gusto o maging perspekto niyo sa buhay, atleast tanggap niyo ang flaws at ang kahinaan nila.
Sandra: [ bakit naman kasi di mo ginawa nung Friday ng hapon? Edi sana, nagpapantasiya ka na sa mga koreanong asawa kuno mo ngayon. ]
K-pop addicted kasi si Patricia, di iyon mawawala sa kaniya. Kulang nalang siya na mangasiwa sa mga concerts ng mga iniidolo niya. Paano ba naman, nung minsang makarating ako sa mansion nila
—jusmeyo por pabor, invaded na ng mga merchandise at collections ang buong kwarto niya pati kisame.
![](https://img.wattpad.com/cover/147060840-288-k402790.jpg)
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Novela JuvenilI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...