Sandra's POV || unang pagkikita
Kyaaah!
Owemji sis, nandiyan na sila!
Tignan niyo, they're coming!
Iyan ay mangilan-ngilan lamang sa mga nangangating salitaan ng mga babaeng hayok na hayok sa kamandag ng BL Academians, inshort mga haliparot na putragis.
Mula kasi sa tarangkahan ng aming akademiya ay naglipana ang dalawang magagarang kotse at sa loob naman ng campus ay narito ako kasama ang ilang mga estudyanteng nabihag ng kanilang mapaglinlang na kaanyuan. Mga turing sa kanila ay prinsipe at ang iba'y tinitingala sila na parang artista. Hello? Ano sila, kasapi ng samahan ng mga atista? Walang Diyos na sinasamba? Mga gwapo-looking naman sila pero si Alex lang ang pwede kong lagyan ng excemption.
Tatangkain ko na sanang tumalikod nang bigla naman ako kalabitin ni Patricia —bestfriend ko slash sistah. Naiirita ko siyang hinarap at bumungad sa'kin ang mantsadong pananabik sa kaniyang mukha.
"Tatayo ka na lang ba diyan bes? Humanap tayo ng location para mas lalo nating maispatan sa sinag ng araw ang pagiging adonis nila, tara!"
Biglaang turan niya sabay hila sa braso kong agad ko namang binawi kaya napalingon ulit siya sa'kin. Binigyan ko lamang siya ng matamlay na tingin saka tumalikod nang hilahin niya ulit ako paharap.
"Ano ba pat?!"
"Hindi mo ba narinig iyong sinabi ko? Maaga pa naman para mag-proceed ka sa class natin ha?"
Taena ka Patricia, hindi ako bingi at dinig na dinig ko sinabi mo!
Napa-irap ako sa kawalan saka humugot ng isang malalim na hininga bago tumugon sa walang kwenta niyang panghihikayat kung saan."Para saan pa? Hayaan mo na iyang mga funs kuno ng BL Academians na magkandarapa sa kanila tutal effortless lang naman lahat ng mga ginagawa nilang spotlight pero di naman sila napapansin."
Sa sagot kong iyon ay napa-ismid si Patricia at halata naman sa itsura nito na sumasang-ayon siya sa'kin. Dapat lang no, hindi naman ikauunlad ng pag-aaral mo ang pag-iidolo sa tatlong mokong, except Kay Alex. Oo crush ko iyong isa sa kanila pero di ibig-sabihin no'n ay makikiisa na'ko sa mga desperadang naghahabol.
Maya-maya'y nagpaalam si Patricia na pansamantalang pupunta sa banyo dahil tinatawag daw siya ng inang kalikasan kaya tumango nalang ako.Naiwan akong mag-isa sa gilid ng madulas na hallway dahil sa kaniya. Usually dapat nasa library kami or nasa garden para mag-tandem study kaya lang, full occupation ang dalawang lugar na kapwa paborito namin kaya nasaksihan namin ang lantarang kalandian ng mga babaeng uhaw sa BL-Academians kasi nga dito sa hallway kami tumambay, as if naman na may choice kami. Alangan namang akyatin namin iyong bubong tapos doon kami mag-lagalag, edi detention room ang kinabagsakan naming magkaibigan. Nakupo, wala pa'kong records sa guidance at wala akong planong magkaroon.
Dala ng pagka-inip ay pinili kong maglakad-lakad sa hallway dahil kakaunti na lamang ang nadaan. Baka siguro naglilibot o sinusundan iyong mga BL-Academians, grabe sila makahatak ng madlang pipol. Talagang dumog kung dumog!
Hindi ko namamalayan na sa sobrang pag-iisip ko sa mga walang kwentang bagay ay huli ko nang napagtanto nang may sumagi sa'king paanan na de-gulong. Huli na ang lahat para makaiwas sa dadaan dahil pagharap ko'y kusa akong napatihaya at nakaramdam ako ng mga brasong pumulupot sa'king bewang ngunit sa kamalas-malasan, pareho kaming nawalan ng balanse at namasdan ko pang tumilapon sa haligi nitong hallway ang isang skateboard.
Sa tuluyang pag-sayad ng aking likuran sa madulas na tiles at ang mga brasong nakapulupot pa rin sa'king bewang ay napapikit ako. Malakas ang impak ng pag-semplang ko ngunit agaran ding nagtaka nang maramdaman kong nasa ibabaw ako ng matipunong katawan. Ibig-sabihin, pinagpalit niya kami ng puwesto para di ako masaktan?
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
أدب المراهقينI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...