Fight for love part 2/2
Alex POV
Paliko na ang kotse ko papunta sa apartment Nina Sandra nang hindi niya namamalayan. Nakatulog siya sa kotse, because of me. Sinadya kong painumin siya ng bottled mineral water na hinaluan ko ng sleeping feels just to ease the pain. Hindi ko din kinakaya lahat ng paghihirap niya gayong magkaedad lang kami.
Pinark ko na ang kotse saka pinahinto ang makina sa pag-andar nito. Bago ako bumababa, sinulyapan ko ang maamong mukha ng prinsesang nasa tabi ko. Kung sa titignan mong napakapayapa ng tulog niya na sana'y manatiling ga'non nalang din sa muling paggising niya. Hinawi ko ang mga buhok na nakatabon sa kanyang mukha at isinukbit sa kanyang tenga.
Matapos ng ilang Segundo Kong pag-titig ay maingat ko siyang binuhat, bridal style ika nga nila. Nag-doorbell muna ko at bumungad sa'kin ang nag-aalalang mama ni Sandra. Pinapasok naman niya ko at tinuro sa'kin ang kuwarto nito sa itaas.
Pagdating sa kwarto niya'y masikap ko siyang hiniga sa kama sabay ng pag-balot ng kumot sa kanyang katawan. Umupo muna ako ng saglit para muling titigan ang prinsesang pinagkakaitan ng kasiyahan. Marahan kong hinahaplos ang tuwid niyang buhok.
"You're to much in trouble yet you're always doing things right. You always choose to maintain silence and accept the violence. Bakit nagagawa mo paring ngumiti kahit punong puno ka na ng pighati?"
Naluluha kong panimula sa kausap ko mula sa kawalan. Katulad niya'y pilit akong ngumiti saka napagdesisyunan na umalis at magpaalam na sa kanyang mama.todo pasalamat naman ang nanay niya kaya nasisiguro kong mabuti ang pagpapalaki nila Kay Sandra.
Nasa biyahe na'ko at nagsisimulang umalab ang aking galit sa puno't dulo nito. Nag-decide akong pumunta sa pinagtatambayan ng BL academians dahil doon ko lang matatagpuan ang pakay ko.
Mula sa bintana ng isang room dito sa aming academy na pinapasukan, Katulad ng inaasahan ko'y naroon nga si Gerald kasama si Larry na abalang kinukumpuni ang kanyang motor. Padabog kong binuksan ang pinto kaya parehong napatingin sa'kin ang dalawa na natigil sa kanilang ginagawa.
"Gabi na Alex, naligaw ka ata?"
Unang bungad sa'kin ni Larry ngunit heto ako at deretsong pasugod kay Gerald na hindi nakaiwas sa pag-landing ng aking kamao. Tulalang bumulagta si Gerald sa harap ko at napatayo sa gulat si Larry na animo'y nagtataka sa mga pangyayari.
"Gago ka! Wala ka talagang puso. "
Unang padaplis kong galit Kay Gerald na nanghihinang tumayo at iniinda ang panga niyang pinasalakan ko ng pasa. Dinilaan niya ang kanyang dugo at saka ako binalingan ng nakakunot ang noo.
Sa loob ko'y sobra na ang lahat nang sinapit ni Sandra Kay Ceska. Walang ibang may kagagawan nito kundi si Gerald. Sa gabing ito, lintik lang ang walang ganti.
"Ano bang problema mo ha?"
Painosente niyang tanong kaya mas lalo akong nabanas. Napakainutil ng lalaking ito, di ko kinakaya ang taas ng pride niya, bwisit.
"Ikaw, ikaw ang problema ko! Goal mo ba talagang pag-awayin silang dalawa? Sina ceska at sandra? Para ano, para masabing certified BL academians ka? "
(ALEX)
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...
![The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/147060840-64-k402790.jpg)