-Chapter 23

724 52 2
                                    

Special chapter || battle of love, choices and fortune, how can I overcome with those struggles?

Ilang araw nang nagiging almusal ang mga luhang pumapatak sa pagbangon ko sa bawat umaga. Pagkauwi ko naman galing sa campus ay muli ko na namang ibubuhos ang kinimkim na kalungkutan dahil hindi ko pinapakita sa labas kung gaano kabasag ang bangang nagsilbing susi upang pagbuksan ako ng laksa-laksang sakit.

Sa tuwing pipilitin ko naman ang sarili na pihitin na lamang ang oras na tumatakbo sa relo, balikan ang mga panahong wala pang pagmamahal na inaatupag ang puso. Balikan ang isandaang porsyento akong nakikibaliktaktakan sa pagsusunog ng kilay, nakatutok lamang ang konsentrasyon sa mga libro na kulang na lamang noo'y mapakasalan ko na ang bawat pahina rito. Sana'y katulad na lamang pala ako ng dati. Yung dating wala akong iniindang pasaning mabigat sa dibdib, pag-ibig na hindi makahulagpos sa kadena ng isip at kahangalang pag-asa na umaasang may aasahan pa ako sa kaniya.

Napakasariwa sa nalalanghap ng aking ilong ang amoy ng pritong galunggong na sinamahan pa ng mamantikang sinangag na may halong margarin. Kahit anong pananabik kong kumain ay hindi umaakto ang panlabas na kilos sa nasasaloob na pasiya. Ilang minuto ko ng tinititigan ang pagkaing nakahain sa harapan ngunit di ko pa rin maibuka ang bibig para sumubo na nang magkalaman na ang tiyan.

Pinaglaruan ko lang sa'king mga kamay ang tinidor at kutsara ngunit wala talaga akong balak na gamitin ito.

"Huwag mong ipakita sa mga biyaya ang kawalan ng gana at baka magtampo iyan."

Maagang bungad ni tatay na kakauwi lang mula sa malayong destino. Matagal din siyang walang balita sa mga nangyayari sa'kin at umuwi nalang para kamustahin ang kasalukuyan ngunit di ang nakalipas na. Bagay na may sama ako ng loob sa sarili kong ama sapagkat wala siya sa mga panahong kailangan namin ng karamay ni nanay.

Nang dumating kasi mula kanina ay nagulat ako dahil sa puntong naalala pa pala ni tatay na umuwi sa'min, bagay na parang isinawalang-bahala ni nanay kaya kinausap ko siya ng masinsinan kanina. Hindi man niya ako nabigyan ng mga eksplanasyon na makakakuntento ng mga tanong na hindi malusaw-lusaw sa apoy ng mga aking palaisipan, ay nag-iwan si nanay ng linyang di ko lubos na maintindihan. Sinabi niya sa'king huwag ko daw isalaysay kay tatay ang mga masalimuot na naganap at ayaw niya raw na mamroblema pa si tatay ngunit karapatan pa rin naming isiwalat ang totoo dahil pagdating sa huli'y matutuklasan niya rin ito. Ayoko namang suwayin kung ano ang mahigpit na bilin sa'kin na alam kong alam ng isang ina ang higit na makakabuti sa lahat.

Binitawan ng kapwa kong mga kamay ang kubyertos saka tumayo at tumigil. Inayos ko ang kurbata ng aking blusa bago binitbit ang sariling bag ng biglang sumingit si nanay na ngayo'y nagugulumihanang nakasulyap sa amba kong pag-alis.

"Nawawalan po talaga ako ng appetite kaya normal lang po yon. Di ko naman pinapabayaan ang sarili ko, mauuna na po ako nay, tay."

Malamig kong tugon at tumalikod na sa gawi nilang sapagkat ayokong mapanood nila ang kataksilan ng aking emosyong gumuguhit ng pag-iyak. Hindi ko na hinihintay ang magiging sagot nila at nagmadali akong lumabas ng bahay kahit sadyang may bente singkong minuto pa bago ang ala-sais.

Dahil maaga pa sa binabaypay ng nilalakaran ko'y doon ko napagpasiyahang ilabas ang tinatagong alas ng luha. Sa pang-ilang beses ay muli na naman akong umiyak dahil sa parehong rason, idagdag mo pa ang sitwasyon sa pamilya ko na tila nagtataguan ng mga sikreto-tila nawawala na ang repleksyon ng koneksyon bilang isang pamilya sa ugnayan ng mga magulang ko. Nasaksihan ko kung paanong pilit na pinapalabas nila nanay at tatay bilang tumatayong papel nila sa buhay ko. Na para bang ako nalang ang natitirang sulo sa dilim na nakakubli sa kanilang likod, wala na yung liwanag sapagkat ako na lamang ang natitirang paraan kahit naghihikaos na sila sa isa't-isa.

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon