SINGIT SPECIAL CHAPTER
Sandra's POV || when opportunity approach you unexpectedly
Maaga pa lang ng mga ala-sais ng umaga ay kapwa kami humahangos ni Patricia papasok sa campus. Hindi naman sa pagiging OA pero medyo late na kami sa napag-usapan. Wala namang meeting or mga proyekto na kailangang isumite ng agaran pero ang ibig kong sabihin ay para magkaroon pa kami ng sapat na oras ni Patricia sa pagrereview. Dahil Friday ngayon, nakatalaga ang araw na ito para sa lingguhang pagsusulit. May tatlong minuto pa bago magsimula ang klase at sa kamalas-malasan namin ay first subject namin ito ipapa-take. How nice di'ba?
Nasa kalagitnaan kami ng hallway at tanging kuskusan ng sarili naming sapatos ang nagbibigay ingay sa katahimikan ng paligid ay bigla akong napatigil sa'king iniisip. Sumagi kasi sa diwa ko na medyo mahaba pa ang mga minutong gugugulin ng kalahating oras kaya napagpasiyahan kong tumungo sa library. Pwede naman rekta na sa loob ng classroom namin kaya lang sa sobrang crowded ng mga taong parang biktima ng cannibal sa kanilang mga landian at daldalan ay meron agad na destraksyon para makapagconcentrate.
"Oh? Nagmamadali na tayo diba? Huwag mong sabihing dito ka magrereview? Seriously, sa hallway? Kaloka ka dai."
Kumpirmang tanong ni Patricia nang mapansin niya ang pagtigil ko. Napakamot ako sa ulo dahil umiral na naman ang kahinaang parte ng utak ng bestfriend ko.
"Sa library nalang tayo mag-aral pat, may oras pa naman bago ang klase eh."
Sa suhestyon kong iyon ay napasapo siya sa kaniyang noo at ngarag na tinitigan ako.
"Nako girlalou ka talaga ng taon,yong lakad palang natin nakakaubos na ng segundo. Parang presyo de peligro tayo ngayon kaya dumiretso na tayo sa room okay? Pero kung disagree ka, pwede namang ikaw nalang kung keri ng powers mo."
Nagmamadaling pahayag nito kaya di na ako nagdalawang-isip na lumihis sa kaniya dahil mas pinipili ko pa rin ang library para makapag-aral ako ng matiwasay at walang sagabal kesa naman sa room, jusme. Mga hininga palang nila nasusuffocate na'ko eh, charot. Siguro bibilisan ko na lang ang takbo nang makarating ako agad.
Tumatakbo na'ko sa landas papuntang library nang makaramdam ako ng hingal kaya napakapit ako sa pareho kong mga tuhod. Hindi twerk iyon ha, napagod ako eh. Kinuha ko ang panyo sa bulsa saka pinahid sa mukha kong nababahiran ng tagaktak na pawis. Umaga pa lang pero parang nag-exercise na'ko.
Di ko pa man nababawi ang normal na pintig ng puso ko nang makarinig ako sa'king likuran na parang mga nagtatakbuhan? Wala namang fun-run at mas lalong wala pang intramurals para sa lagay na ganon kaya awtomatikong napalingon ako para suspetiyahin ang hinala kong may mga nagtatakbuhan nga.
Mga limang metro ang layo ay namataan ko ang tila grupo ng mga kababaihang may hinahabol yata? Pero mga nakangiti sila at pawang mga kinikilig. Ayon sa'king tantiya ay sa dami nilang magkakasamang nagtatakbuhan ay halos isandaang porsyento ang sakop nila para sa kabuuan ng hallway. Kaya kung tatabi ako ay may posibilidad na matabig nila ako sa kanilang daraanan kaya kahit medyo hinihingal pa'ko'y sumibat din ako ng takbo habang hawak ang dibdib kong panay taas-baba dahil sa kapaguran.
Mas lalo pa'kong nataranta nang maramdaman ko ang mga yapak nilang malapit na sa likuran ko, sign na bumabagal ang takbo ko. Hutanes na pagod ka, makisama ka kahit ngayon lang!
Mukhang maaabutan nila ako kaya napapikit ako ng mariin at sa abot ng makakaya ko ay sinubukan kong bilisan ang takbo ngunit talagang hindi ko forte ang pagiging maliksi nang marinig ko ang sigaw ng isang babae na nangunguna yata dahil siya ang nasa gitna, basta naaninag ko sila kanina.
"Hoy babae! Huwag kang papansin sa dinadaanan namin! Masyado kang harang, punyeta!"
Namura pa nga ako ngunit hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ang pagtakbo kahit nawawalan na'ko ng enerhiya para mas bilisan pa ito. Naobserbahan kong apat na metro pa ang layo ko sa kanila at nakita kong paliko yong daan kaya doon ako tumungo, nagbabakasakaling umiba sila ng daan.
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
أدب المراهقينI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...