-Chapter 25

641 49 6
                                    

Chapter 25 || The worse Franceska

Third Person's POV

Sa kalagitnaan ng isang sunog na agad kumalat sa naturang gymnasium kung saan inaakala nilang aksidente lamang ang lahat, lingid sa kaalaman nilang ito'y isa sa mga plano ni Franceska kasama ng kaniyang mga kasabwat na siyang katuwang niya upang maging matagumpay ang plano kahit na mabusisi ito. Nakatakas si Franceska sa isang beteranong hospital sa tulong ng mga sikretong tauhan at doon niya nga binalak na tapusin ang nasimulan niya noon—ang kitilan ng buhay si Sandra na siyang nag-iisa at nakabarang tinik sa lalamunan nito. Ang babaeng naging threat sa kanilang dalawa ni Gerald at ang babaeng sumira ng magiging plano niya noon.

Sa kaniyang plano ay literal na pinaulanan niya ng gas katulong ng kaniyang mga kasabwat ang paligid ng buong gymnasium ng walang nagsususpetiya. Masasabing pulido ang kaniyang hangaring mapasakamay si Sandra. Pagkatapos ng pagsasaboy ng gas ay sinindihan nila ito at alam niyang schedule ng Physical Education ang first subject nila Sandra kaya tinaon niyang dito isagawa ang plano. No'ng una'y mukhang nag-alangan itong ituloy sapagkat nang dumating ang mga kaklase ng pakay niya, hindi niya namataan ang presensiya ni Sandra. Napawi ito nang mapagtantong naroon sa gymnasium si Patricia—ang bestfriend ng mismong pakay nito. Naisip niyang iyon ang gawing bitag para mapapunta si Sandra sapagkat alam nitong may pusong mamon at hindi nito matitiis na malagay sa panganib si Patricia. Nang magsimula na ang exercise ay nagsimula na din ang pagsiklab ng sunog, marahas na binuwag nila Franceska ang isang bakal na posteng nakadikit sa haligi ng gymnasium—kung saan naroon nakapuwesto si Patricia kaya di ito nakaiwas at tumumba sa likuran niya ang nasabing bakal.

Naghumerantado lahat ng mga estudyante sa loob at mga nagsipagtakbuhan nang lumalandas na ang sunog sa kabuuan ng gymnasium. May ilang mga nabagsakan ng mga bumigay na kable at nakuryente, ang iba'y naipit at nadaganan katulad na lang ni Patricia.

Hinintay nila Franceska na dumating si Sandra para sagipin ang kaibigang napili nilang pain. Hindi sila nagkamali dahil wala pang kalahating oras ay ginalugad na ni Sandra ang loob kahit makapal at lumalangib na ang apoy. Batid ni Franceska na hindi iniisip ni Sandra ang kaniyang sarili pagdating sa kapakanan ng iba kung kaya't ito ang ginamit na alas para madakip ito.

Pinanood pa ni Franceska si Sandra at Patricia na sinaklolohan ng pinakamamahal niyang lalaki—si Gerald. Ang poot na nakakubli sa kalooban ay biglang naghimagsik. Umigting ang kaniyang panga sa nasaksihan. Hindi niya masaklob na kaibuturang makita na may mahal ng iba ang dapat lamang na sa kaniya kung kaya't desperada itong hahamakin ang lahat, makuha ulit ang puso ng lalaking noon pama'y inaasam niya. Nawala na ang lahat sa kaniya at sinisisi niya ng lubusan si Sandra na walang kaalam-alam sa historya niya. Desidido itong gawin ang lahat at hindi niya hahayaang maging masaya ang dalawang tunay na nagmamahalan kung siya ay nasa isang sulok at pinagdudusahan ang kabiguan. Ipapatikim nito kay Sandra ang sakit na hindi maibsan ng kahit ng pagmamahal.

Nang papatakas na ang tatlo'y kinuha niya ang tyansang iyon para dakpin si Sandra. Hinablot nito ang buhok nang nakatalikod na si Sandra at iwinasiwas sa semento. Di pa nakuntento at naghagilap pa siya ng isang matabang kahoy at walang pakundangang inihambalos sa ulo nito, dahilan para mawalan ng wisyo at malay si Sandra.

Nasaksihan ni Gerald ang ginawa ni Franceska kay Sandra at tataluntunin niya sana ito nang maalalang karga-karga niya si Patricia na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Saktong may hinagis sa kinaroroonan niya ang mga tauhan ni Franceska at sumingaw ang puting usok na siyang naging susi sa matagumpay na plano ni Franceska at ngayo'y hawak na nito si Sandra. Ang puting usok ay isang uri ng naeksperimentuhang gas na nakakapagpatulog sa sinumang makakaamoy nito. Agad namang nakatulog si Gerald kung kaya't di niya nagawang pigilan ang magaganap kay Sandra. Wala itong nagawa.

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon