A/N:
Enjoy reading as always guys, Ilysm!
••••••
Lumipas na ang dalawang araw na pagpepermanente ko sa hospital at buong araw din akong nakahilata!
Mabuti na lang at nakagawa ng paraan ang kaibigan kong si Patricia para ikubli yung aksidenteng naganap sa akin kay mama at kay papa dahil kung hindi, baka sila na ang tuluyang kumitil ng buhay ko! Chour, syempre hindi naman sila gano'n at ayoko lang talagang mas mag-alala sila sa'kin, tiyak na makakadagdag ako sa dami ng inaasikaso at iniisip nila 'pag nalaman nila yung nangyari sa'kin.
Nakapagpahinga naman ako sa nagdaang sabado't linggo kaya matik na garantisado ang kalagayan ko.
Kasalukuyan akong papasok sa gate ng aming campus at namataan ko si Patricia na tila nag-aabang at pabalik-balik pa ang tingin sa kanyang relo.
Nang dumaplis ang kanyang tingin sa gawi ko, agad ko siyang kinawayan at hindi naman ako nagkamali dahil napansin naman niya ako.
Sinalubungan niya ako ng yakap saka hinatak naman ako papunta sa kung saan. Anong problema kaya ng bruhang to'?
Dinala kami ng kanyang mga paa dahil siya naman naghatak sa'kin eh! Nandito kami ngayon sa canteen. Aba, may balak pang lumamon ang bruha.
Hinarap ko naman si Patricia at naghahanap naman ng mauupuan namin saka ako ulit hinatak. Pinaghila niya pa'ko ng upuan.
Nang tuluyan na kaming maka-upo, pinasadahan ko siya ng pagtataka.
"Gutom ako te'h at 'wag mo akong tignan ng ganyan, para kang mangangain ng tao."
Maagang pagmamaldita niya sa'kin kaya napailing na lang ako. Tumayo siya at nagpaalam sa akin na mag-oorder muna siya at ako daw muna ang magbantay ng puwesto namin.
Habang wala pa siya, tinipa ko muna ang aking cellphone para maiwasan ang pagka-inip.
Bubuksan ko sana ang social media accounts ko ng biglang umingay ang paligid sa canteen na naghahatid naman sa akin ng kaba. Kusang inikot ng aking tingin ang mga taong nagbubulungan at hindi ko namalayang nakalapit na pala sa harap ko si...si Franceska.
Nangangamoy away na naman ito. Lord, please ilayo mo'ko sa pesteng babaeng to'!
Magkasalubong ang mga balikat nito at sinusuri ang itsura ko mula ulo hanggang paa, aba!
"A-ano na namang kailangan mo?"
kinakabahan kong tanong ngunit pinapanatili ko ang pagiging kalmado at mas lalong ayokong unahan ang gulo.
"May apology gift lang sana akong ibibigay sa'yo. I hope you don't mind."
Pilit niyang pagpapabebe sa harap ko kahit lantaran naman sa mga nanonood sa'min ang kaplastikan niya.
Hindi ako agad nakasagot dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay nadama ko na lang ang malamig at nagyeyelong tubig na umaagos mula sa aking buhok pababa ng aking blusa kaya nagmukha akong basang sisiw sa hinatol ng pesteng franceska na'to.
Ang mas lalo ko pang kinainis ay ang tawanan at hagalpakan ng mga estyudyanteng tila walang pakialam sa mga nangyayari at waring ginagatungan pa ang isang 'yon!
"Oops, sorry. Hindi ko naman sinasadya. Let's just say na dumulas yung baso sa kamay ko."
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Teen FictionI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...