P a s a b o g

3.4K 139 8
                                    

Gerald's POV

Nabalitaan ko ang nangyari sa mainit na paghaharap nina Ceska at Sandra.

Wala nang pasubali at agad akong nag-tungo sa kinaroroonan nila. Malimit ang mga bumabati sa'kin pero hindi ko na iyon pinansin. Habang papunta ako do'n, para bang bumibigat ang pakiramdam ko sa bawat hakbang na ginagawa ko.

I just don't want her to be hurt yet I'm not aware that she's on her trials again.

Pag-bukas ko palang ng malaking pinto sa canteen, bumulagta lamang sa'kin ang maaliwalas na mga bulungan na sumasariwa pa sa kaninang pinangyarihan.

Nag-tanong tanong ako at agad na nakaramdam ng panlulumo dahil nahuli pala ako sa mga eksena nila ngunit nagpapasalamat pa din dahil may tumulong kay Sandra kahit wala ako.

Nice Alex but it should be me.

Nakwento na nila na dinala daw ni Alex si Sandra sa clinic, malakas ang kutob kong nag-tamo siya ng mga sugat dahil kay Ceska. This past few days, I've always scolded myself for being insensitive when it comes to someone's feelings. Na sa bawat ginagawa ko, I'm always ending na may masasaktan at masasaktan pa rin akong tao.

Nakarating ako do'n pero natigilan ako dahil nando'n pa pala si Alex at binabantayan si Sandra. Gustuhin ko mang lumabas sa eksena nila ngunit mas pinili kong mag-tago at marinig lahat ng usapan nila. Then my eyes suddenly drops to angelic face of Sandra. Even I'm in miles away apart from them, I'll figure it out what her pale skin does have scratch, mukhang marami nga. This is always my fault and I'm always blaming myself for that.

Ilang beses kong sinabi na proprotektahan ko siya, na parati akong nandyan sa kanya. I just can't believe that those my promises are just words and never been furfilled.

"Natatakot na'ko sa kung ano pang pwede at posibleng mangyari sa'yo kapag mas pinili mong isugal at iharap iyang buhay mo na sa una pa lang ay alam mong mas malaki ang tyansa na matalo ka. Alam Kong hindi ka pwedeng umatras pero gusto kong hayaan mo'kong samahan ka sa bawat karera mo dito."

Napabalikwas ako sa reyalidad ng marinig iyon ng aking tenga na sinabi ni Alex kaharap si Sandra. Medyo lumapit pa'ko ng bahagya para mas malinaw ko silang marinig.

"Gusto kong pawiin iyang bigat ng damdamin mo, gusto kong akuin yung mga sugat na natamo mo pero paano? Hindi mo na sakop ang katangahan ng iba para saluhin mo pa. At kung alam mong puro pasakit lang sa huli ang maidudulot nito, mas makakabuting limitahan mo ang sarili mo."

Dagdag niya pa sa hindi nagsasalitang si Sandra, marahil at nabigla din siya sa sakramento nito. Patayo na sana ako ng may madali akong isang kahong nakapatong sa clinic kaya di ko napigilan ang pag-bagsak nito. Huli na para makalabas ako dahil pareho na silang nagtataka sa pag-labas ng eksistensiya ko.

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon