Chapter 2- FB friends

5.7K 198 3
                                    

Still Sandra's POV || the unexpected

Papikit-pikit pa ako habang hinihilot ang para bang naninigas kong mga balikat marahil sa ngalay dahil sa matagal-tagal kong pagkakaupo sa upuan doon sa library. Tatlong or as ba naman akong nakababad do'n para lang mag-research ng mga task kasi nga wala rin kaming klase for three consecutive subjects, may superior meeting daw kasi na kailangan ang mga teachers and some deligates.

Ilang hakbang na lang naman ang ilalakad ko papunta sa bahay namin, konting distansiya na lang. Kasalukuyan akong pauwi ngunit pang biyernes-santo ang buong katawan ko dahil sa bugbog ng research. Plano ko nga ay pagkadating na pagkadating ko sa bahay, didiretso agad ako sa kwarto para makahiga at makatulog na.

"Good ebs nanay, tay!"

Mahinhing bati ko kina nanay at tatay pagkabukas ko pa lang ng pinto saka kinuha ang kanilang mga palad upang magmano. Nadatnan kong naghahanda ng hapunan si nanay habang si tatay naman ay mukhang kakadating lang galing sa trabaho.

Matapos kong tanggalin ang aking sapatos ay matamlay akong pumanik ng hagdan ng bigla akong sutsutan ni nanay na ikinalingon ko naman.

"Magpapahinga ka agad? Kumain ka muna anak, naghanda ako ng hapunan oh. Sumabay ka na sa tatay mo."

"Pagod ako nay eh, mamaya kakain po ako kapag nakaramdam ng gutom."

Matamlay kong tugon at nakita ko ang dismaya sa mukha ni nanay pero di ko naman kasi siya masisisi. Gustuhin ko mang sumabay sa kanila sa hapag-kainan kaya lang ayaw makisama ng lugmok kong katawan, peste.

"O siya sige, basta huwag kang magpalipas ng gutom."

Pilit na ngiti ni nanay kaya sinuklian ko lamang ito ng ngiti pati kay papa saka tuluyang pumanik sa hagdan, binabagtas ang aking kwarto para lumagalag sa pag-higa. Parang zombie akong naglakad papasok sa kwarto saka ito kinandado. Huminga ako ng malalim at binaba ang sukbit na bag saka pabagsak na humiga sa kama.

Pipikit na sana ako nang makita kung anong oras ang nasa orasan. Ganap pa lang na ala-sais ng gabi pero yung katawan ko parang pang alas-dose dahil sa kapaguran at nararamdamang ngalay. Tinignan ko din ang suot ko at napagtantong di pa ako nakakapagpalit ng damit at suot ko pa din ang uniporme. Nakakatamad kayang mag-bihis, shems.

Nakahiga pa rin ako habang kinukuha sa bulsa ang cellphone. Masyado pa kasing maaga para matulog at baka magising lang ako ng mga alanganing oras ng gabi kaya napagpasiyahan kong mag-browse muna kahit mugto na ang mata.

Pagkabukas ko ng aking account sa Facebook, dalawang notifications ang natanggap ko kaya lubusan akong nagtaka. Dati naman kasi kahit noon pa man, pag nagbubukas ako ng fb ay kadalasang walang noti o friend's request man lang. Kahit nga message eh, si Patricia lang naman ang halos tatlong taon ko nang ka-chatmate.

Namumugto man ang mata ay agad itong nanlaki nang bumalandra sa'kin ang tila ba isang lucid dream at bangungot;

• Alexis Xander Jarin added you as a friend
• William Gerald Cortez added you as a friend

Whowuut? As in nasa stage ako ng approximately shockness! Ano ba naman kasing mata ito, masyado nang nag-iimagine ng kung ano-ano. Kinusot-kusot ko ang mata at saka muling lumingon sa screen ng cellphone at hindi nga ako nagkakamaling nagfriend's request sila sa'kin. Napatingala ako sa itaas ng kisame at napausal ng,

Anong anghel ba ang sumapi sa dalawang lalaking ito? Jusmeyo marimar naman, nakakagulat sila.

Sa unang nagfriend's request sa'kin na si Alex which is my greatest crush, syempre confirm agad iyon. Kumpara naman Kay Gerald, mas harmless siya at may decent looks kaya aprubado agad. Nakakatuwa naman, siya pa talaga ang nagfirst move para maging friend ako! Shems, mga ugat ko sa katawan—nawawala na sa lugar dahil sa kuryente na bumabalot at gumagapang sa'king balat. Ah basta kinikilig ako.

Ilang Segundo ko ring tinitigan muna yung friend's request ni Gerald, as in sinusuri ko muna kasi nga baka mamaya, nantritrip lang ito at baka makasapak ako ng gwapo. Wait, did I say gwapo?

Hays, para matapos na ang lahat…confirm ang nagpop-up sa utak ko kaya ayan napindot ko na at na-accept. Bahala na si mother Earth sa'kin. Facebook lang naman iyan at kung sakali mang mantrip iyang mokong, ibloblock ko talaga siya!

Pinatay ko na ang cellphone saka itinabi sa isang study table at sinimulang ipikit ang mata. Bahala na kung masyado pang maaga, pagod na talaga ang bodybells ko. Bukas na ulit Earth, I love you!

Wattpad: @royaljna
Facebook page: •RoYaL_Jna Stories•
Instagram: @royaljna

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon