Author's note:
Sorry sa matagalang update mga kapwends, huhuhu :< ikaw ba namang wala kang load eh, syempre di talaga ako makakapag-online sa watty. But now I'm back!
Enjoyin mo na yung dalawang updates ko hehe, wag nyo Kong madaliin ha? Jombagan ko kayo eh! Syempre charot lang ^~^
Sa mga silent readers ko dyan..ehem! Beke nemen HAHAHAHA don't forget to vote and leave comment
Facebook page:
•RoYaL_Jna Stories•Kamsa <3
Sandra's POV
Monday at school campus~
Sa lahat ng mga lunes na napag-daanan ko, ito yata ang lunes na kinatatakutan ko, shemay!
Dahil ngayong araw na ito makakaharap ko ang babaeng nang-iwan daw kay Gerald at may gana pa talagang bumalik ah?
Matapos siyang umalis parang wala sa sistema niyang di pa humuhupa ang galit ng lalaking babalikan niya.
Well isang DI KA NA DAPAT BUMALIK lang ang maisusumbat sa kanya ni Gerald for sure yan.
Halos isang siglo na akong nakaharap sa repleksyon ko. Charot, di isang siglo yon mga minuto lang hihi :>
Bigla naman akong tinawag ni Gerald kaya eto na naman ang kaba kong kanina pa gumagapang sa katawan ko.
"Be ready Sandra. Nandito na siya."
Paalalang bungad sa akin ni Gerald habang hinila ako patayo kaya nagpahila nalang din ako.
Hindi ko alam kong ilang litrong kaba ang dala ng kalooban ko at parang kahit anong oras, baka mailabas ko na'to. No way!
Nakatayo kami sa pasilyo ng campus ng kinalabit ako ni Gerald at sumenyas sa aking nakababa na raw si Ceska sa kotse niya.
Wow, sanaol may kotse!
Natanaw na namin sa di kalayuan ang isang babaeng mukhang sopistikada ayon sa porma niya. Take note, ang ganda niya! Mukhang natural din lahat ng parte ng katawan niya. Siya yung babaeng masasabi kong kahit light lang ang make-up o pustura sa mukha ay talagang lantad na ang ganda. Yung tipong konting ayos niya lang, mapapansin mo na.
Bigla tuloy akong nanliit dahil naiikumpara ko na naman ang sarili ko sa ibang tao.
Bigla naman akong hinila papasok ng room ng mokong na'to kaya nagtaka ako. Hayaan ko na nga!
"Gerald? Ikaw na ba yan?"
Malambot na tinig ng isang babaeng nasa likuran namin. Natitiyak kong si Franceska na'to.
Unti-unti kaming humarap at siya na nga ang nakatambad sa amin. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Gerald na magkahawak.
Agad naman niyang iniwas ang tingin at dagliang niyapos si Gerald kaya maging ako ay nagulat.
Aba! Hindi yata aware ang babaeng to na kasama ako ni Gerald.
"I miss you so damn much Gerald. Namiss Kong maramdaman uli ang mga bisig mong nagpapa-alala sa aking mahal mo'ko."
saad pa ng bruhilda at inexpect ko ng itulak siya ni Gerald na siya namang ginawa ng mokong.
Serves her right!
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Ficção AdolescenteI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...