Sandra's Pov || Is it a fact or a bluff?
Pupungas-pungas ang aking mata habang unti-unting minumulat ang aking tingin. Bumungad sa'king paggising ang puting kisame, puting haligi, puting kurtina—basta puro puti ang paligid. Patay na kaya ako? Dito na ba sa pagkakataong ito mararanasan ang sinasabi nilang life after death? Nang ilinga ko ang aking tingin ay doon ko lamang napagtantong nandito pala ako sa isang kwadrado ng kwarto.
Pagkatapos suriin ang lugar na kinatitirikan ko'y sinilip ko ang kabuuan ng sarili. Naramdaman ko ang hapdi ng kaliwang palad ko sa kadahilanang may nakaturok ditong aparato na natitiyak kong may koneksyon sa dextrose. Nandito pala ako sa hospital.
Tumayo ako upang lingapin ang kinaroroonan ng pinto nang biglang sumakit ang magkabilang sentido ko kaya napatindi ang kapit ko sa dextrose habang ang isang kamay ay hinihilot ang noo.
"A-ahh"
Daing ko nang may pumasok na momento sa'king isipan kung saan bumalik sa'king ala-ala ang pangyayaring naganap sa sumiklab na alitan namin ni Franceska. Kasama na rin ang senaryo kung saan aksidenteng nahulog si nanay sa ibaba ng tulay—sa ilog!
"Si nanay!"
Usal ko sa sarili saka binagtas ang pinto nang maalarma ang diwa kong dapat kong hanapin si nanay. Kung normal pa ba siyang nakakahinga, o kung maayos na ba ang kalagayan niya or baka may masakit siyang nararamdaman sa mga oras na'to. Hindi ko hahayaang mapahamak ulit si nanay ng dahil sa kapabayaan ko.
Nang mahagip na ng palad ko ang saradura ng pinto'y pinihit ko ito para buksan. Balak kong takbuhin ang labas pagkabukas ko ng pinto nang bumalandra sa'kin ang bulto ni Gerald kaya napaatras ako.
"K-kanina ka pa ba diyan?"
Naasiwa kong tanong ngunit hindi naman siya sumagot sapagkat blangkong tinitigan niya lamang ako. Muli akong napaatras nang humakbang siya palapit sa'kin at patuloy niyang ginagawa ito kaya patuloy din ako sa pag-atras!
"Aaay!"
Mariin kong sigaw nang mapag-alamang nasa papag na pala ako ng kama kaya napaupo ako kasabay ng pagpikit. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang mainit na hininga ni Gerald sa pisngi ko. Hindi tuloy ako napadilat. A-ano ba kasing ginagawa niya? Hindi ba siya didistansiya man lang?
Napabalikwas ako nang hatakin niya pataas ang pareho kong paa at saka idinantay sa kama, dahilan para mapahawak ako sa magkabilang gilid nitong kama.
"A-ano bang problema mo?"
Mahinhin kong tanong na may bahid ng inis at mas nadagdagan pa ito nang hindi man lang siya umimik. Pinanood ko siya habang nilalagay ang isang supot ng plastik na tiyak kong ang laman no'n ay pagkain saka dahan-dahang nilapag sa ibabaw ng isang desk, partikular na katabi ng hinihigaan ko. Kumuha siya ng isang silya saka umupo sa harapan ko, pagkatapos ay marahan akong kinumutan saka muling tinitigan ako. B-bakit niya ba ginagawa ito?
"Don't just stare at me at the whole time. I just brought you some food to eat then go back to rest after that."
Seryoso niyang tugon kaya napairap ako. Aakma na sana akong babangon sa higaan nang agaran niyang hinawakan ang magkabilang braso ko kaya nagkasalubong ang aming mga titig.
"M-may pupuntahan ako."
"Saan? Sa mommy mo? Lessen your worries, your mom is in good condition. Actually nauna pa siyang gumising sa'yo and as what everyone exected, hinanap ka din niya. You can visit her tommorrow but for now, you should take a bit rest. Kagigising mo pa nga lang, pupwersahin mo na agad ang katawan mo. You're so hardheaded, psh.
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Teen FictionI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...
![The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/147060840-64-k402790.jpg)