Chapter 4- It Started with Kiss

5.1K 195 3
                                    


Sandra's POV || hokage moves?

Kasalukuyang nagdidiskusyon ang aming guro nang biglang bumalagbag ang pinto ng sobrang lakas at napukaw nito ang atensiyon naming lahat.

Alam niyo kung ano ang masasabi ko? Napaka-barumbado ng taong kulang nalang puksain niya na buong istraktura nitong campus, kawawa iyong pinto sa kaniya.

Sa padarag na bukas ang pinto'y pumasok ang isang matangkad na lalaking gustong-gusto kong gisahin kasama ng sibuyas at kamatis kanina pa. Nakasimangot itong humarap sa'ming guro na bakas sa wangis ang iniindang galit. For sure, may nakaaway or kinawawa na namang estudyante iyan. Diyan naman magaling ang mga badboy, mga ugaling-tarantado, mahilig sa basag-ulo tapos paiyakin yung mga babaeng bulag sa kanila'y nagkakagusto. Kailan kaya darating iyong araw na magtitino iyan? Ah baka kapag nakalive-in partner na niya si Lucifer.

Ito namang mga kaklase ko lalo na iyong mga babae, grabe makatili. Akala mo naman nakakita na ng oppa! Oppa ba iyan? Baka oppa nga, oopakan ko nang mawala na siya sa landas ko. Nung tinignan ko naman si ma'am na inayos pa ang salamin at base sa reaksyon nito, mukhang nagtitimpi lang ng natatagong kumbulsyon sa katawan dahil sa kawalang-modo ng Gerald mokong na'to.

Porket anak lang ng may-ari, pwede na siyang maghari-harian? Tubol niya! Pantay-pantay lang kaming nag-aaral dito. Walang-wala siya sa mga may sinasabing tao kung iyong ugali niya pang-basura.

"Ginoong Cortez, hindi ka ba naalarma na nagiging mannerism mo na ang madalas na pagliban sa klase at laging late? Maawa ka naman sa mga nag-papaaral sa'yo. Ang iyong mga grado ay halos nasa linya na ng mga palakol. Aba'y malapit ka ng mapabilang sa listahan ng mga drop out! Nakikiusap kaming mga guro mo na ipasa mo naman ang taong ito. Bigyan mo ng pansin ang edukasyon, anak."

Kalmadong pangangaral ni ma'am na may halong sinseridad sa kaniyang mga litaniya ngunit tila walang pakialam si Gerald sa panghihimok nitong magpakabait naman. Antipatiko talaga eh, mahahampas ko iyan ng tubo—de charot lang, hindi po ako bayolente o amazonang babae.

"Stop pretending that you're really concern. I know that your only profession is to teach not to preach. Oo, pangalawang magulang ka pero hindi pa din applicable na diktahan ako dahil wala kang karapatan. Kung iyang mga pa-orasyon mo ay dinederetso mo sa simbahan, edi sana madre kana ngayon. Huwag mong sabihin sa'kin ang mga iyan, sinasayang mo lang ang laway mo."

Walang delicadezang pahayag ni Gerald habang tinatalikuran siya nito. Lahat kami ay napaawang ang bibig dahil sa talas ng dila niyang sumagot ng pabalang sa mas nakatatanda?! Hindi ba uso sa kaniya ang salitang "respeto"? Kasi kung hindi, edi sana hindi na lang siya ipinanganak.

"Diyos ko, ginoong Gerald. Para sa'yo lahat ng sinasabi ko sa'yo. Hindi man ako ang tunay mong mga magulang ngunit kailangan naming tanggapin sa sistema na kasama ang ganitong karakter sa pagtuturo namin. Dahil ang mga leksyon na binabahagi namin sa inyo ay madali lamang makalimutan ngunit ang mga pangaral ay dadalhin niyo iyan hanggang sa pag-tanda niyo. Mahirap pero kailangan din naming iangkop ang pagiging ama't ina sa inyo kasi ito iyong pinili naming trabaho. Sana naman naiintindihan mo iyon, Ginoong Gerald."

Naluluhang sakramento ni ma'am kay Gerald na hindi pa rin tinatablan ng mga mala-sagradong aral, wala talaga siyang pakialam. Sa winikang iyon ni ma'am ay napuno ng katahimikan ang buong silid, ni pag-hinga'y di aabot sa'yong tenga.

Malamig lang na pinasadahan ng titig ni Gerald si ma'am na dama pa rin ang concern sa mokong na walang konsensiyang matibay pa din ang mukha. Waring dinaanan lang niya si ma'am na halatang pinatapos lang ang itutugon nito.

Maya-maya'y naaninag kong palapit siya sa kinauupuan ko gayonpama'y hindi ko siya binabalingan ng pansin o tuon. Parang di makapaghunos-dili ang dibdib ko nang mapagtantong may katabi akong bakanteng silya, patay ka ngang bata ka. Paanong di pupunta sa'kin eh nasa tabi ko lang ang natitirang upuan, punyawang tadhana.

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon