Fight for love part 1/2Sandra's POV
Dalawang araw matapos ang huling bangayan namin ni ceska. Nung araw din iyon ay hindi ako nakapasok ng buong araw sa klase. Na dala na rin ng antok, nakatulog daw ako ng mahimbing sa clinic at inamin sa'kin ni Patricia na si Gerald ang nag-hatid sa'kin pauwi at nagbuhat. Hindi na nakakapagtaka na sa pag-mulat ko sa umaga ay nasa sariling kwarto na ako. Mukhang kailangan ko ding mag-pasalamat sa kanya.
Dahil maaga pa naman, minabuti kong mag-tungo sa campus garden ng aming academy at isa pa, hindi pa nadating si Patricia. Siguro may morning rituals pa ang babaitang iyon.
Nag-lalakad na'ko sa kabuuang sirkulasyon ng halamanan ng may yumakap sa'kin mula sa aking likuran.
"Magaling na ba ang sleeping beauty?"
Nakakapanindig niyang bulong sa mismong tenga ko at agad akong kumalas sa pag-kakayap niya sa'kin. Yumuko ako dahil naramdaman ko ang pangangamatis ng aking mukha at huli na ang lahat dahil nahawakan niya ang baba ko saka itinaas kaya nag-pantay ang aming mga pagtitig.
"Dapat pala lagi kitang binubulungan sa tenga para di mo na kailangang magmake-up. You're so adorable when you're blushing."
Nakangisi niyang pang-aasar sa'kin kaya hinampas ko siya sa kanyang matigas na balikat. Mga apat na beses yata iyon. Nakita kong napadaing at napahawak siya sa balikat na apektado ng aking pag-hampas.
"Fuck, why girls mostly do that kind of manner? "
Naiirita niyang tanong habang hinihimas ang balikat niyang tinamaan ko. Natawa na lang ako sa pagiging OA ng lalaking to.
"Hindi mo naman maalis sa mga babae yon eh. Speaking of alis, bakit ka nga pala biglang lumayas sa clinic kahapon? "
Tanong ko pabalik kaya parang nanahimik siya. Huminga siya ng malalim saka umupo sa ilalim ng mayabong na puno, sinaluduhan ko din ito.
"You're busy talking to Alex and sa tingin ko, I'm just a disturbance. Nga pala, gusto kong ako na ang maghahatid-sundo sa'yo every now and then just to assure na secured ang protection mo."
Ano boyfriend lang ang drama? Oo nga na umaakto kaming parang sweet couples kuno pero puno ng pagpapanggap iyon. Nice, tadhana.
Kusang nag-landas pakrus ang aking mga balikat saka siya malamlam na tinignan sa mala-asul niyang mga mata, nakakalusaw.
"baka gusto mo rin mag-apply na sa trabahong security guard. Lubusin mo na, aba."
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Teen FictionI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...