-Chapter 21

1.1K 75 1
                                        


New start || is it the end or just a beginning?

Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang maganap ang pangyayaring lubos na nakaapekto sa buhay ko. Ang pangyayari kung saan naghatid ito ng iba't-ibang emosyon at mga parte. Parteng masaya ka dahil nalaman mong mahal ka din ng taong minahal mo, parteng nasasaktan ka kasi mas pinili niyang tapusin ang ugnayan niyo tapos babalik para guluhin ulit ang puso mo, parte kung saan nagsisisi kang pumasok sa isang kasunduang ikaw ang talunan at siguradong luhaan dahil kahit anong simbuyo ng nararamdaman ay sa huli pa rin ay masasaktan ka hanggang sa gigisingin ka ng kapaguran at sabay bubulong na, "tama na".

May mga pagmamahal sa puso na dapat ikinukubli dahil mawawala din iyan. May mga pagmamahal na kahit sabihing sundin ang itinitibok, kusa kang hihinto dahil alam mo na ang magiging kahihinatnan. Akala ko noon sa mga nababasa kong mga fairy tale, mga love stories na inspired sa true to life pag-iibigan-na kapag mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo pero sa kaso ko? Kahit ipaglaban ko, ako pa rin ang dehado.

Sinasariwa ko pa noon lahat ng mga pagkakakilanlan namin ni Gerald. Kung paano ko siya minahal dahil sa deal, kung gaano ko pinipilit yung sarili na huwag mahulog sa mga simpleng gestures at motibong pinapakita niya. Mga panahong nanggagalaiti sa'kin si Ceska at talagang gusto na akong ihiga sa himlayan ng mga patay. Mga panahong nagkaroon ako ng bagong kaibigang tulad ni Alex. Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng iyon.

Masaya pa rin ako ngayon na kahit papaano, muli akong bumabangon sa pagkakadapa. Sobrang complicated talaga ng love noh? Kahit pala sa totoong buhay, may mga primera kontrabida talagang magdadala ng malas para tutulan yung relasyon niyo pero nasa nagmamahalan naman iyan kung magpapaapekto ba sila o ipagpapatuloy pa rin nila dahil talagang mahal nila ang isa't-isa. Ganoon naman talaga ang pag-ibig. Walang perpekto at walang tuwid, yung tipong nagkainlove-an, expect na happy ever after. Hindi ganoon kasimple iyon. Bibigyan kayong pareho ng tadhana ng mga balakid na talagang magiging hindrance sa relasyon o meron kayo pero nasa sa inyo pa rin ang roleta ng buhay, kayo pa rin gagawa ng kapalaran niyo kung ano ba ang tama at dapat pero sa kwento namin ni Gerald? Masyadong mabibigat ang mga pagsubok at sa tingin ko, ito ang pahiwatig ng Diyos siguro na hindi kami para sa isa't-isa.

Anyways, nakalabas na kami ni nanay ng hospital dahil sa tulong ng pamilya ni Gerald bilang pasasalamat daw sa'kin na di ko lubusang magets dahil ano bang bagay na ipagpapasalamat nilang nagawa ko para sa anak nila? Hay, ayoko nang isipin. Ang importante maayos na ang lahat. Si Ceska naman ay nasa kostodiya ng mga pulis, pinag-uusapan daw ang magiging hatol dahil bukod daw sa minor ito, may kumplikasyon na rin sa pag-iisip. Wala naman talaga akong galit sa babaeng iyon eh. Naaawa ako sa kaniya dahil di lang pag-ibig prinoproblema niya, pati mga magulang niyang wala palang pakialam sa kaniya noon pa man. Kaya siguro ganoon ang ugali ay dahil bunga din ng mga makasarili niyang parents. Biruin mo, napakayaman at eleganteng babae, pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan tapos kapantay pa ni Gerald sa kasikatan at karangyaan-may malaking pasanin palang kinikimkim? Di mo din kasi masisisi ang tao. May dahilan pa rin kahit ang mga kriminal kung bakit nila mas pinipiling magpakasama.

"Sandragooooon! Uwaaaaa, I miss you so much!"

Boses na nagmumula kay Patricia nang bigla niya akong sunggaban ng yakap. Sa una'y di ako nakapalag dahil sa gulat ngunit kalauna'y niyakap ko siya pabalik. Namiss ko din ang kaingayan at kalandian ng bestfriend ko.

Nandito pala ako sa campus garden ng Del Cortez Academy at nag-iisip isip ng sumulpot mula sa kalawakan si Patricia.

"My goodness! You're totally back! Grabe, hoy Sandragon! Ang dami mo pang ichichika sa'kin, nakakatampo ka!"

Naluluha nitong bungad pagkatapos kumalas sa pagkakayakap.

"Namiss din kita Pat. Oo kukuwento ko naman sa'yo pag may spare time pero sa ngayon kailangan ko munang asikasuhin mga requirements ko. Ilang araw din akong nawala dito at alam mo na. Bilang scholar, marami akong dapat habulin sa pagbabalik ko."

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon