Chapter 27 || set me free, please.
"Hindi pa rin umaalis ang mga pulis dito sa teritoryo natin ma'am, mukhang natiktikan nilang hindi pa tayo nakakalayo sa lugar. Kahit makalusot man tayo, hinding-hindi tayo makakalabas sa nayon. Makikilatis naman tayo do'n sa checkpoint, paano ba iyon ma'am?"
"Hunghang, bakit ako ang mag-iisip ng paraan ha? Anong silbi niyo? Lumayas nga kayo sa harapan ko. Manmanan niyo yong presensya nila. Aalis tayo kapag nag-go signal na'ko sa inyo." Pagmando ni Franceska sa kaniyang kanang kamay na si Mando. Humalukipkip ito bago bumuwerta palabas.
Sumasayad sa mukha ko ang simoy ng himpapawid, tinatangay din nito ang mga takas na hibla sa'king buhok. Unti-unti kong minulat ang mata at sumimsim ang sakit sa parteng noo ko. Doon ko napagtantong pumutok pala ang balat ng gilid ko sa noo, nadantay do'n ang ilang himulmol ng buhok at nanlalagkit. Marahil ito ay dahil sa baril na ceska na ipinukpok niya ang tungki nito, kasing bigat ng tanso kasi ang mga baril kaya kung ito ang hahampas sa'yo, tiyak na mapupunit ang balat kapag malakas ang impak nito.
Nanlalabo ang paningin ko ngunit sapilitan akong bumangon sa pagkakahiga. Suot-suot ko pa rin ang uniporme magmula no'ng dinakip ako nila Ceska sa sunog na sila rin mismo ang may pakana, how organized. Mautak siya kaya nagtagumpay ang kaniyang kongkretong plano. Napansin kong dinala niya ako rito sa rooftop, tanaw na tanaw ko ang mga imprastrakturang nakapalibot sa lumang pabrika. Nakatalikod si Ceska at tulalang nakasulyap lamang sa ibabang bahagi ng rooftop. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa railings habang ang isang kamay ay may tangan pa ring baril. Lumipat ang aking tingin sa kaniyang braso—nakabenda na ito ngunit naaninag pa rin ang sariwang dugo. Mukhang ginamot niya ito bago pa man ako makasulong sa ulirat.
Nadatnan kong bukas ang rehas sa pintuan ng rooftop, bahagyang nakaawang ito para bigyang pansin ang sinumang papasok at lalabas. Dahil alerto ang aking isip ay mahinhin akong tumayo. Kagat-labi kong karay-karay ang sariling paa dahil nandito pa rin ang tama ng bala. Bagamat nakagapos ito sa panyo ay natuldukan lamang nito ang pagligwak ng dugo ngunit hindi pa rin matutukoy na magaling.
Kabalikat ko man ang kinikimkim na pangamba'y napanatili ko naman ang kapayapaan habang konting yapak nalang ay mararating ko na ang rehas, pagkakataon ko na ito upang makalabas. Ang singkong butal na pag-asa ay tila napurnada nang biglang maging balimbing sa koponan ko ang hangin. Umihip ito ng malakas, rason para mapako sa kinatatayuan. Naglalang ng ugong ang hangin at ang kadenang embargado ng rehas ay nabuwal sa dati nitong kalagayan. Lumingon sa gawi ko si Franceska, ang samu't saring kaba at takot ay komondena na sa aking katawan. Ang malamig na awra nito ay dali-daling sumuot ng nakakangilabot na tingin. Malalaki ang habang nito pabagtas sa'kin kung kaya't huli na para isagawa ko ang naudlot na tiyempo. Hinablot nito ang aking buhok saka iwinasiwas sa railings. Tumama ang bahaging likuran ko sa malamig na bakal hanggang sa nahagkan ko ang lupa. Hindi pa man ako ganap na nakakarecover nang hatawin ako ni Ceska ng isang patpat na napulot niya sa kung saan. Nag-alumpihit ako ng hinanaing nang makaramdam ng kirot. Nagtangis ang bagang ko nang muling lumapat sa'king likuran ang patpat.
"Ano, magpapakaapi-apihan ka nalang ba diyan? Strive against me, stand up! Tignan natin kung saan uubra iyang galing mo." Nanggagalaiting paghahamon nito sa'kin. Bahagya siyang lumayo para bigyan ako ng espasyong makatayo. Sinunod ko ang sinabi niya ngunit hindi sa part na lalaban ko siya, hindi ko iyon gagawin kahit sobrang-sobra na ang natatamasa kong sakit. Hirap akong nakatayo at akmang ihahataw niya ulit ang patpat nang saluhin ito ng kamay ko at mahigpit na ibinilanggo sa kabuuan ng aking kamao. Nagpupumilit siyang kumawala ngunit hindi ko na pahihintulutang maglandas ito sa natututop kong balat. Buong puwersang enerhiya ang ibinubuhos ko upang pigilan siya nang makahagilap siya ng pagkakataon para sipain ako. Nagawa niyang sipain ang aking tiyan kaya muli kong dinaganan ang sahig, walang nagawa ang kalingkingan nang indahin ko ang pagkakasikmura sa'kin. Muli niya akong pakikitunguhan gamit ang patpat nang dumatal si Mando.
![](https://img.wattpad.com/cover/147060840-288-k402790.jpg)
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Teen FictionI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...