-Chapter 26

647 45 1
                                    


Chapter 26 || Bistado

Humahangos ako habang hatak-hatak ni Gerald. Inaapuhap naming pareho kung saan ang labasan. Bawat mga kislot at hakbang namin ay tila dampi lang sa hangin, walang mababakas na ingay. Nakatingin ako sa likod ni Gerald na ang tuon ay sa mga pasikot-sikot na daan. Maging siya'y ingat na ingat na lumikha ng tunog. Matiwasay lang akong nakasunod sa kaniya nang makaulinigan namin ang isang matinis na pagtili. Agad kaming nagkubli sa isang munting barracks at saka yumuko. Nakumpirma naming may paparating at mukhang hindi kami nagkakamali. Nagtipon-tipon sa di kalayuan ang mga armadong lalaki kasama ang kanilang liderato—si Franceska. Sinasabunutan nito ang sariling buhok at tila binubuhos ang frustration sa mga kaalyado niya. Napasinghap ako nang magpakawala ng bala si Ceska sa yerong nangangalawang na agaran namang nabutas. Tinakpan ni Gerald ang aking bibig gamit ang kaniyang palad, sinenyasan niya akong maging kalmado at tumahimik. Tama siya dahil kung hindi ko mapipigilan ang sariling mapahiyaw ay tiyak na mapapahamak kaming pareho.

"Ang simple simple lang naman ng trabaho niyo tapos pinalpak niyo pa?! Gusto niyo talagang maligo sa sariling dugo, ano?! Ang lalaki niyong hangal! Bwisit!" Dumadagundong na tinig niya at ang mga alipores niya'y nakatungo lang at nilalasap ang sermon ng kanilang amo.

Napasulyap ako kay Gerald nang bigla siyang kumalas mula sa pagkakahawak sa'kin. Pinasadahan ko siya ng nagugulumihanang tingin. Waring kinukuwestyon kung ano ang tumatakbo sa diwa niya. Sinuklian niya lamang ako ng isang tipid na ngiti at hinila ang aking batok para ilapit sa kaniya. Ginawaran niya ako ng isang matamis at nanunuyang halik sa noo na tumagal ng ilang segundo. Bumuntong-hininga siya matapos nito. Nakakurba na ang mga kilay ko sa kilos niya.

"Halughugin niyo ang buong kampo! Kung kinakailangang kaladkarin niyo sa mekanikong paraan iyang si Sandra, gawin niyo! I'm giving you the last chance para itama yong kapalpakan niyo! Larga na, punyeta!" Maawtoridad na utos ni Franceska at walang pakundangan na nagsialisan sa mga kaninang puwesto ang mga kalalakihan para isakatuparan ang iniutos nito. Nawala ang pagmamasid ko sa kaganapan ni Franceska nang may ilagay na kung anong bagay si Gerald sa kanang palad ko bago ito pinagsalikop. Binuklat ko ang palad at tumambad sa'kin ang isang magarang cellphone na sa tantiya ko'y may pagkamoderno. Napatingin ako kay Gerald na seryosong nakatitig sa akin. Anong gagawin ko sa cellphone niya? Saan ko naman gagamitin iyon?

"Listen, I've gave you my phone. You have to respond incoming calls there especially Alex. He will instruct you the route of this old factory how to depart here immeadiately. Pakinggan mo ng mabuti ang mga sasabihin niya para hindi ka maligaw, understand? Also when you'd sucessfully procure the exit, call the cops and wait for me." Pagbibigay ng instraksyon nito ngunit tinugon ko lamang siya ng hagulgol. Ayokong suwayin si Gerald pero hindi ko gusto ang gusto niyang mangyari. He wants me to escape on my own but how about him? Niyakap niya ako nang patuloy pa ring rumaragasa ang aking mga luha.

"N-no... s-sabay tayong lalabas dito, di'ba? Stop stating nonsense, please." Sabi ko habang patuloy na ginagantihan ng mainit na yakap si Gerald. Siya ang unang kumalas sa aming yakapan at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Yes, lalabas tayong pareho dito pero mauuna ka nga lang. Huwag mo akong alalahanin. I'm not reputed as notorious leader for nonenity." Pagkuwa'y inagapay niya ako sa pagtayo. Bahagya akong dumaing nang mapagtantong may tama pala ako ng bala sa paa na pinuntirya ni Franceska. Nakatali naman ito sa panyo kung kaya't napahinto nito ang pagdurugo ngunit kailangang maagapan ang impeksyon at apektadong parte nito dahil maaari ko daw itong ikaparalisa.

Nang bitawan ako ni Gerald ay nakita ko ang paghugot niya ng isang baril sa gilid ng kaniyang bewang. Namilog ang mga mata ko sapagkat wala akong kamalay-malay na gumagamit pala si Gerald ng mga armas? Pero para saan? Panigurado'y inaral niya ang pag-asinta nito at ang pagkabihasa. Umigting ang panga niya nang maalarmang hindi pa ako umaalis sa kinatatayuan ko.

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon