Sandra's POV
Hindi pa man tirik ang araw ay nakarating agad ako sa aming eskwelahan ng hindi humahangos. Salamat naman dahil sa tingin ko'y payapa ang hatid nitong araw ngunit agad din namang napawi nang matanaw ng aking mga mata ang nakatayo sa harapan ng tarangkahan ng aming campus. Tila may inaabangan ang babaeng iyon at sigurado ako na kapag nakita niya akong papasok ay baka muli itong maghasik ng lagim, nakakatakot.
Nakaisip naman agad ako ng paraan na sana'y epektibo. Nakita ko na paparami ng paparami ang mga estudyanteng mga nagsisipasukan kaya sasabay nalang ako sa mga magkakasama ng kumpol. Yuyuko ako agad kapag nasa harapan ko na si ceska.
Naku, Lord! Tulungan mo po akong makaiwas sa kaniya, ayoko po ng gulo.
Agad na naispatan ng aking mata ang isang magtrotropa ngunit pawang mga lalaki kaya kahit nakakailang man ay pumusisyon na ako sa likuran nila saka naglakad ng matiwasay papasok. Bumuntong-hininga ako matapos malagpasan si Ceska ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ng isigaw niya ang pangalan ko na siyang ikinatigil ko.
Huli na para siya'y takasan, dahil ramdam ko ang kaniyang mabigat na presensya sa aking likuran.
"Grabe naman ang tactics ng isang Sandra Jeremiah Carte para makapagtago. For your information, anino mo palang alam ko ng ikaw iyan. Tsaka halatang iniiwasan mo ang isang Franceska Buenafarte, why? Naduduwag ka na ba ngayon?"
Natatawang pang-aasar niya kahit nakatalikod ako sa kaniya. Unti-unti ko siyang hinarap at nasilayan ko ang kaniyang nakangising mga labi at mapag-uyam na tingin.
"Ceska, hindi sa naduduwag or natatakot ako sa'yo. Sadyang umiiwas lang ako sa gulo."
Kalmado Kong tugon kaya napa-irap siya saka maarteng lumapit sa'kin kaya medyo dinapuan ako ng katiting na kaba. Hindi ko gusto ang magiging kasukdulan ng pag-uusap na'to sakaling mapikon ko na naman siya ngunit sa abot ng pasensiya ko'y magtitimpi ako lalo pa't narito kami sa harap ng campus. Nakakahiyang gumawa ng eksena lalo na't isa ako sa scholar ng eskwelahan na ito.
"Huwag ka ngang mag-malinis. Eh kung hindi ka pumasok sa buhay namin ni Gerald, edi matagal ka ng nakalaya sa gulo at hindi ka na masasangkot pa."
Patuyang wika niya na halatang nagpipigil sa'king pagbuhatan ako ng kaniyang kamay. Kailangan ko na talagang umalis sa kinatatayuan namin dahil masama talaga ang kutob ko sa kung ano mang magaganap ngayon. Naoobserbahan ko kasing kapag nariyan sa paligid si ceska ay parati nalang akong nalalagay sa kapahamakan.
"Ceska please, patahimik mo muna ang kaluluwa ko. Nakakahiyang mag-eskandalo ka sa harap pa ng eskwelahan natin? Ayokong maging agaw-pansin sa lahat ng makakakita sa'tin."
Sa litanya ko'y biglang bumira ng bungisngis si ceska na tila walang pakealam at hindi nababahala sa mga linyang binitawan ko. Patay na talaga ako kapag di ako tinantanan nito.
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Подростковая литератураI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...