Chapter 17-Confrontation

1.8K 97 9
                                        


Continuation || Still Sandra's POV

"I'm sorry Sandra but I have to end this game. It's over and you're free."

Paulit-ulit na kumalansing sa tenga ko ang masasakit na katagang pilit na nagiging anay para sirain ang puso ko. Maging ang mga natamo kong sugat ay tila ba naging manhid ako sapagkat mas dama ko ang sakit ng damdamin sa pagkabigo dahil sa tuluyang pagdurugo.

Kahit masakit ang braso kong nadaplisan ng sanga'y itinaas ko ito at buong puwersang isinampal ang aking palad sa mukha ni Gerald.

Namasdan ko ang pag-daing niya sa atake ng sampal ko ngunit di pa ako nakuntento at pinaghahampas ko ang matigas niyang dibdib.

"Tell me, ano ba talagang motibo mo kaya mo ginagawa sa'kin to'?! Oportunista ka!"

Paninigaw ko sa kaniya na di alintana ang senyales ng pamamaos habang patuloy na hinahampas ang kaniyang dibdib. Napigilan niya agad ako nang hulihin niya sa kaniyang mga kamay ang braso ko at umimpit ang sugat ngunit di ko ito pinansin. Pinilit kong tumiwalag sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo niya akong hinarap sa kaniya.

"Stop being naive, Sandra! I told you  it's over!"

Pinantayan niya ang aking sigaw ngunit habang binibigyan ko siya ng pagkakataong makatugon sa'kin ay mas lalo niya lamang akong pinapatay ng nakatalikod. Hindi ko na kinaya ang eksistensiya niya sa harapan ko kaya sinipa ko siya ng malakas sa tuhod, dahilan para mabitawan niya ako. Tangan man niya ang dalawang braso ko'y may silbi pa rin ang aking mga paa.

"Ang kapal ng mukha mo Gerald! It's over?! Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan ha? Naririnig mo ba sarili mo Gerald?!"

Galit kong mga linya habang patuloy na bumabagsak ang mga luhang ngayo'y rumaragasa na sa aking pisngi. Nanginginig ang kamay ko at baka mamaya'y hindi ko na mapagtimpihan at makakapatay talaga ako.

"Tanga ka ba Sandra o nagtatanga-tangahan lang?! May karapatan akong sabihin sa'yo to dahil ako naman ang nagpasimula ng ganitong laro diba? So expect at the end na ako din ang tatapos!"

"Hindi iyon ang puntong sinasabi ko!
Napaka-insensitive mo namang lalaki!"

"Then sorry! Matagal mo na'kong kilala Sandra, Wala akong pakialam sa mga nararamdaman ng makakasalamuha ko."

"Bakit mo ba iniiba yong topic?! This is not all about your being insensitive! This is not about your pathetic flauses! This is all about ceska, me and you!"

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon