-Chapter 22

1.4K 97 70
                                    

Another disaster.

"Aray ko naman eh! Bakit ka ba kasi namimitik ng walang pasabi ha?"

Protesta ko nang biglang pitikin ni Patricia ang aking noo at nagbunga ng pamumula.

"kanina pa kasi ako salita ng salita dito tapos lutang ka na naman sa kawalan. Sayang ang magandang laway ko sa'yo girl, kainis to."

Bumuntong-hininga ako at itinigil ang kaninang pagrereklamo ko dahil ako pala ang may kasalanan.

Tama si Patricia dahil lutang talaga ako ngayon. Kapag sumasagi sa isip kong anumang oras mula sa ngayon ay papasok na raw si Gerald. Same classes lang kami sa lahat ng subjects kaya expected na makikita namin ang isa't-isa which is yun ang prinoproblema ko. Hindi ko alam kung okay ba kami or kung anong sasabihin ko kapag nakita ko na siya. Kinakabahan ako pero masaya dahil sa wakas ay magaling na siya.

"Tignan mo'to lutangers na naman. Bahala ka nga diyan!"

Pagtataray ni Patricia sabay martsa papalayo sa'kin. Gusto ko sanang habulin ang bestfriend ko kaso tinatamad naman ako. Susuyuin ko naman mamaya ang bruhilda. Hinayaan kong mapag-isa ako kahit ngayong araw lang, naglalakad ako sa hallway kahit madalang ang mga estudyanteng mga nakakasalubong ko'y di ko ito alintana.

Kelan kaya tatapak ulit sa campus na ito ang notorious leader ng BL Academians? Di ko kasi alam kung ready ba talaga akong makaharap siya or mapangatawanan ko kaya yung planong pag-iwas? Ang akward kasi ng sitwasyon, di ko din alam sasabihin ko kapag nasa harapan ko na siya. Di ko alam kung sisimulan ko ba sa pangangamusta o tutumbukin mismo kung ano nga ba kaming dalawa?

Sobrang miss na miss ko na siya, lahat-lahat sa pagkatao niya, namimiss ko. Yung mga kayabangan niya, pagiging pervert minsan ng bibig pero at the sametime pagiging gentleman niya kahit papaano. Kating-kati akong puntahan kung nasaan man siya ngayon kaso ano namang karapatan ko? Ni hindi nga malinaw kung ano bang namamagitan sa'min eh.

Mabuti pa siguro sundan ko muna si Patricia at baka lumala ang pagtatampo no'n. Mamaya niyan, ipinagkakanulo na ako kay Judas niyan, mahirap na.

Tumalikod ako saka naglakad na nauwi sa maling galaw dahil sa saktong pagkatalikod ko'y may umaandar na skateboard papunta sa paanan ko at di ko agad naiwasan ito kaya ang ending nang lulukso sana ako, natisod ako ng di oras saka pumagaspas sa malamig na semento.

*blag!

Tunog ng mga binti kong sumalampag sa sahig kaya naramdaman ko ang malakas na impact sa'kin nito. Halos di ako nakasigaw nang biglang manakit ang buto ko sa tuhod. Ang sakit!

"Pesteng skateboard yon ha."

Usal ko sa sarili saka pinilit na makatayo. Iika-ika akong humakbang para wag nalang pansinin ang ligaw na skateboard nang may mga kamay na kumuha dito kaya nag-igiting ang bagang ko dahil sa kapabayaan ng taong iyon.

"Hoy Kuya, di ka ba aware na eskwelahan ito at estudyante ka dito? Muntik na akong magkaroon ng fracture sa buto dahil sa pagiging iresponsable mo sa mga gamit mo."

Naiinis kong hiyaw sa lalaking nakatalikod sa'kin at para bang nakiliti lahat ng tutuli ko sa tenga nang maulinigan ko ang pamilyar na halakhak nito. T-teka, kanino ko nga ba narinig iyon?

"Inuubos mo ba talaga pasensya ko Kuya? Simpleng sorry lang ang hinihingi ko pero-"

"As if naman na may narinig akong hinihingi mo ang apology ko."

Pagsasalita nito sa wakas at unti-unti itong humarap sa'kin at tila nawala lahat ng kalakasan ng aking loob nang magisnan ang wangis nitong puno ng pambubuska habang dala sa labi ang makamandag na ngisi.

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon