Chapter 19- Save me?

1.9K 90 8
                                    

Still Sandra's POV || doktor romantiko

"Aray naman, mokong na'to! Para ka namang may galit sa'kin eh!"

Singhal ko kay Gerald na hinihilot ang sakong ng kaliwa kong paa. Wala siguro itong experience sa pagiging masahista. Lahat yata ng hinanakit at sama ng loob binubuntong niya sa paa ko. May pagka-abno din, tsk.

"Mabuti nga iyong medyo masakit eh, iyon daw ang efficient na massage sa parteng kumikirot."

Pagpapalusot ng mokong kaya napairap na naman ako sa kawalan. Naglandas uli ang mga braso bago siya muling harapin.

"Eh para namang babaliin mo buto ko sa paa eh!"

Napakamot ako sa ulo nang hindi siya umimik sa tinuran ko kaya mas pinili ko nalang na manahimik. Habang minamasahe ni Gerald ang paa ko'y sumagi sa'king isipan si Franceska. Bigla ko namang nahugot papalayo kay Gerald ang paa kong minamasahe niya kaya siya napatingin sa'kin.

"Mood swings? It's not your menstrual week, right? Or you're having a irregular period at a time?"

Nagulantang ako nang makaramdam ng hiya sa mga binitiwang usisa ni Gerald tungkol pa sa bagay na talagang ayaw na ayaw kong pag-usapan o pagdaanan man lang sa buhay-dalaginding ko. B-bakit pati regla ko, pinapakialaman ng mokong na'to?

Dali-dali akong dumampot ng unan at mariing hinampas sa kaniya nang ipangsangga nito ang kaniyang braso.

"Pati ba naman regla ko, updated ka?"

"Of course! Paano kita mabibilhan ng napkin niyan kung di ko kakabisaduhin kung kelan ka dinudugo?"

"Napaka-pervert ng bibig mo! Kung umasta ka, akala mo naman jowa mo'ko. Hambalusin kita diyan e."

"Having a label or none is not the basis. Hindi kailangang magkaroon ng rason para gawin ko sa'yo lahat ng ginagawa ng isang boyfriend."

"Nyek? Ang pangit naman ng ganoong sitwasyon. Ang sweet niyo sa isa't isa pero malabo kung anong meron kayong dalawa?"

"So what's the point?"

Maiikling pakla nito sa'kin kaya nagsalubong ang mga kilay ko. Grabehan talaga ang level ng pagiging mokong nito, minsan dumadalaw sa katauhan niya yung pagiging masungit. Baka siya itong nireregla?

"Napakasungit naman neto. Bahala ka nga diyan, kakain na'ko."

"Fine, I'll go ahead."

Malamig nitong saad saka tumayo sa pagkakalundo ng kama kaya bago pa ito makalapit sa pakening pinto, mabilis pa sa alas-kwatrong hinawakan ko siya sa braso at matamlay siyang bumaling sa'kin at napatigil ito. Ano na namang problema no'n?

"Saan ka pupunta?"

"Huwag kang ma-praning. I'll just proceeding to the hospital's cashier to pay bills."

Malamyang sagot nito saka kumalas sa pagkakahawak ko at ilang dipa ng lakad niya'y nawala na siya sa paningin ko. Emotero minsan tong mokong eh no? Bahala nga siya diyan, uubusan ko siya ng pagkain!

Maingat akong tumayo para abutin ang tray ng pagkaing kanina'y nasa supot at ngayo'y nakahain na sa plato para masimulan ng kumain. Kumuha ako ng isang malapit na silya para makaupo ng kampante sa harapan ng mesa kung saan nakapatong ang tray. Ayoko namang kumain sa kama, magkakalat pa'ko doon.

Nasa kalagitnaan ako ng masarapang pag-nguya nang maramdaman kong lumangitngit ang pintuan na waring may nagbukas nito ngunit dahil nalilibang akong nilalantakan ang pagkain ay hindi na'ko nag-abalang lingunin pa ang pumasok, tiyak ko namang si Gerald iyan-pa-mysterious lang masiyado. Teka, sabi niya magbabayad daw siya sa cashier ah? Parang ambilis naman yata. Hayaan mo na nga self, intrigera ka masiyado!

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon