Chapter 30: Epilogue that still aches.
[Under proofreading, you may encounter bit errors. Please understand.]
Dumating na ang paghuhukom, ay este ang finals. Tapos na ang nalalabing dalawang araw ng paghahanda. Fourth grading na rin sa wakas, ilang weeks nalang din at summer vacation na. Matutulungan ko na rin si nanay sa work niya. Nagtitinda kasi siya sa umaga ng mga kakanin tapos online reseller sa hapon pati gabi. Syempre 'di rin biro 'yon kaya masaya ako na matutulungan ko siyang mapagaan ang trabaho niya.
Nabalitaan ko nalang na ilang araw ring lumiliban sa klase si Gerald. No'ng una ay akala ko ay bumabalik siya sa dati sa mga masasama niyang gawi like cutting classes, paninigarilyo, pambabastos sa mga teacher, pagiging bully, pafall tapos cassanova. Yon pala ay nalaman ko kay Alex na kaya siya umabsent ay sumama siya sa ama niya sa ilang bussiness meeting para daw mapag-aralan unti-unti kung paano magmando ng mga transaction at pagmamaintain ng stable partnership sa mga suking kliyente. Masaya ako na sumusunod na siya sa ama niya. Masaya rin ako na hindi na siya katulad ng dati na hindi sineseryoso ang pag-aaral at pamilya. Yon nga lang ay maangas pa rin at walang sinasanto.
Sa totoo lang ay naappreciate ko bawat pagbabago niya. Yong hindi dahil sa gusto ng ibang tao, kundi ginagawa niya para sa sarili niya. Kahit nag-iiwasan kaming pareho, pareho kaming nagrespetuhan ng mga sarili naming space. Although masakit sa'kin na ginagawa niya yong gusto ko na hayaan nalang ako. Wala na ring gaanong nagtatangkang mambully sa'kin as in kahit simpleng name dropping wala. Minsan nahuhuli ko rin sa akto na sinisita ni Gerald yong mga estudyante tungkol sa'kin kahit ang tanging kasalanan lang nila ay inirapan lang ako. Thankful ako na pinapangatawanan ni Gerald yong mga sinabi niya sa'kin na panghahawakan niya ang proteksyon ko although wala akong hiniling na gano'n. Palagi pa rin siyang nagpapadala ng mga sweet foods sa locker ko na may kasamang note. Minsan, isang tupperware na leche flan, minsan ube cheese-desal or chocolate floated brownies, basta iba-iba. Sabi niya sa'kin, tanggapin ko nalang daw as a friend. Well sabi niya, pambawi niya raw sa lahat kahit sa maliit na way. Kuntento na rin ako nang gano'n kami. Mahal na mahal ko pa rin siya pero mas nagiging healthy kami kung sarili muna ang uunahin di'ba?
Napangiti nalang ako nang mapait saka inayos ang natitirang gamit na ilalagay ko sa'king korean influenced bag. Since finals naman na, small bag lang daw para handy at comfortable. Syempre magdadala pa rin ako kahit yong mga booklet pointers ko nalang. Konting review syempre para refesh ang data ng utak.
Katulad pa rin ng dati, sabay na kaming pumasok ni Patricia. Naglilibrary pa rin kami kung need and necessary. Minsan sumasabay sa'min sina Alex At Jade pero minsanan lang, inaalala rin kasi nila yong privacy namin kasi nga hanggang ngayon sikat pa rin at dinudumog pa rin ng mga fans nila. Syempre, sila ang tinaguriang 'Badlord Academians'. Sila pa rin ang tinitilian at parating may spotlight kapag papasok sila kahit gate pa lang. Akala mo, may red carpet ng FAMAS Awards ang grand entrance nila. Mas naging close ko sila lalo na si Alex. Sayang lang at si Jade ay foreign student ng Del Cortez Academy sa isang extended branch na pinapasukan namin sa ibang bansa. Ang sabi naman sa'kin ni Alex ay hindi naman sila nawawalan ng connection kay Jade at kinakamusta rin sila nito. Minsan nakakasabay ko sila Alex sa lunch, minsan kasama si Gerald pero nauuna naman siyang matapos kumain, siguro okay na rin yong minsan lang kami magsabay. Unti-unti akong nasasanay kahit medyo mahirap.
Pababa na ako ng hagdan nang marinig kong tinawag ni nanay ang pangalan ko. Dali-dali akong bumaba habang nakasukbit na ang bag ko.
"Sandra, baunin mo nga ito. Masarap 'yan. Ako mismo nag-ayos, wala rin kasi akong oras para makapagluto." Almusal na bungad ni nanay mula sa kusina saka iniabot sa'kin ang isang clear tupperware na may lamang brown rice, mashed potatoes at isang lalagyan ng pork brocolli. May isang dutch mill pa na large size at isang piling ng latundan bilang appetizer at drinks. Saglit akong namangha hindi dahil sa ngayon lang ako babaunan ni nanay pero ito ang mga pagkain na hindi naman namin afford. Nagtaka ako bigla. Sinilip ko pa ang nakahain sa mesa. May nakahandang isang bandehado ng pork brocolli at kanin. Nakangiti lang si nanay habang ako'y nahihiwagaan sa mga nakikita ko.
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Fiksi RemajaI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...