-Chapter 24

582 44 0
                                    

Author's note;

Hi royalista! Gusto ko pong i-reread niyo ang Chapter 18—Mistaken Devil, may ilang dinagdag ako doon na konektado sa current chapter na mababasa niyo sa mga susunod. I've noticed na di naipaliwanag ni Ceska kung bakit bigla niyang sinugod si Sandra sa Chapter 18 kahit ang pagkakaalam nito—ni Sandra na kaya lang nagkaroon ng deal [ pretending fake girlfriend ] ay dahil sa totoong dahilan na makumpirma ni Gerald na may feelings pa sa kaniya si Ceska which is IYON ANG PANINIWALA ni Sandra even though, kapakanan lang ang iniisip ni Gerald kaya niya biglang pinutol yong deal. Ayaw lang ni Gerald na lumalim pa ang feelings nila sa isa't-isa at ayaw na niyang mapahamak pa si Sandra nang dahil sa kaniya, SO IYON PO ANG TALAGANG MOTIBO NI GERALD. I just want to clarify the story para sa mga nalilito. Six remaining chapters nalang then matatapos na ang kwentong ito! Handa ka na bang umiyak?

Warning; Slightly intense ang drama dito and sobrang nakakaadapt baka madala kayo sa kwento, just enjoy reading royalista. Oh, akala niyo may matured scenes noh? yiee umasa, lol. I don't prefer some matured scenes lalo na at may mga bata at inosenteng magbabasa :>

CHAPTER 24 || A destined trap.

Umaatikabo ang pagtakbo ko dahil kahit ramdam ang hingal ay mas nangingibabaw sa'king sagipin ang nanganganib na si Patricia. Alam kong kailangang-kailangan niya ng tulong. Hindi ko alam kung paano napadpad sa ganoong sitwasyon ang bestfriend ko. Sinadya man o aksidente'y hindi iyon ang importante, ang misyon ko'y matiyak ang kaligtasan ni Patricia.

Nakarating ako sa gymnasium—sa labas nito, nagkukumpulan ang mga estudyante nang madatnan ko at bakas sa kanila ang pangamba at pagkatuliro. Agad na hinanap ng aking mata kung naroon man si Patricia, umaasang hindi totoo ang masamang ibinalita sa'kin ni Lindcy na naipit nga ito sa bakal. Tinabig ko ang mga nakaharang para makalapit sa mismong outdoor stadium nang maaninag kong may itim na usok ang sumusulasok sa kwadrado ng gymnasium, dahilan para mahirapan akong makita ang pakay. Bakit ang kapal naman yata ng usok?

"M-miss, bakit may usok? Ano ba talagang nangyayari dito?"

Pag-uusisa ko sa isang babae na kapareho ko ring may hinahanap. Iritado itong tumingin sa'kin.

"Tanga ka ba? Bakit ba nagkakaroon ng usok? Syempre may sunog, duh!"

Masungit nitong banat sa'kin na markado ng inis. Hindi ko siya masisisi sapagkat tama naman siya. Humihina na common sense mo, Sandra. Muli akong luminga sa loob, nagbabakasakaling naroon si Patricia ngunit ni anino o tayog ng tayo niya'y hindi ko man lang matanaw-tanaw. Nasaan ka na Patricia?

Dahil sa desperada at nangangating kamalayan ko'y, nagpasiya akong pumasok sa gymnasium at galugarin kung saan mang sulok naroon ang kaibigan ko. Hindi ko alam pero natitiyak kong may posibilidad na sumiklab ang apoy sa loob pero mas pipiliin kong sumugal. Buhay ng taong pinapahalagahan ko ang nakasalalay dito at di ko hahayaang may mawala na naman sa'kin.

Nakita kong pati mga teachers at mga superintendents ay balisang-balisa na. Ayon sa narinig ko, tumawag na daw sila ng bumbero pati ambulansiya pero hanggang ngayon ay wala pa ring sumisipot dito at aksyonan ang sakuna. Walang nakakaalam kung ano ang sanhi ng sunog dahil biglaan daw ang nangyari. Siguro'y maaaring masisi sila ng mga magulang sa insidente dahil kahit sabihing may sabotaheng naganap, sa huli'y kapabayaan pa ring maituturing dahil sakop kami ng pananagutan nila, ng buong campus dahil kargo at nasa puder kami nito.

Papasok na kami sa loob nang biglang magkaroon ng bibrasyon ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha ito at rumehistro sa'kin ang pangalan ni Patricia! Sinagot ko ito.

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon