Fake relationship || his effect on her.
Kanina pa umaarangkada ang bunsod ng klase ngunit ang buong wisyo ko ay nasa dalampasigan ng imahinasyon, ay hindi dalampasigan-kundi purgatoryo! Jusmeyo, para kasi akong nililitis sa isip ko. Gustong-gusto ko talagang umayaw kanina kay Gerald kaya lang ano na naman magiging consequences kapag tumutol nga ako? Knowing na tanyag na badboy itong mokong. Paano kung nililinlang niya lang ako at talagang ipapakalat niya iyong litrato? Syempre ako ang puputukan ng kontrobersya dito sa Del Cortez Academy. Kung subukan ko namang mag-public apology at makapagpaliwanag ay hindi pa rin enough iyon para palipasin nalang ng iba. Kapag nakawit nga lang kahit nickname ng mga mokong, talagang nagbabagang balita na nakakarating ito sa bawat sulok ng campus. Kumbaga bawat maliit o malaking detalye tungkol sa BL Academians, tumatagal sa headline ng dyaryo, parang ganon. Hit na hit ang impluwensiya ng mga lalaking iyon kahit saan. Kung susumahin mo, kapag may nakalap silang tsismis na may kasama o dinedate ang apat sa mga babae, nako. Talagang pursigido silang kilalanin ang babaeng sangkot sa mga ultimate crush nila. Hindi pa makukuntento iyan at lalait-laitin ang buong pagkatao ng kawawang babae. Para sa mga fanghorls ng BL Academians, single ito sa paningin nila kaya talagang malas mo kung sasabihin mong isa sa apat ang jowa mo-bukas na bukas din at samu't-saring alipusta ang matatanggap mo.
Iyon pa kayang makita nila iyong litrato namin ni Gerald na aksidenteng nagkalapatan ang mga labi namin? Alangan namang idahilan kong purong aksidente iyon pero sinong maniniwala sa isang babaeng halos di pinapansin ng lahat? Tiyak na lalabas akong malandi, uhaw sa lalaki, attention seeker at marami pang matapobreng salita dahil iyon ang iisipin nila! Baka pagtapak ko palang sa main gate ng campus, pagrambulan na'ko at espaltuhin ng hilaw na semento. Mahirap magkaroon ng koneksyon sa apat na mokong, magiging kabalikat mo lang ang impyernong buhay sa kamay nila.Pero paano naman ang magiging kalagayan ko kung ako ang ipapalabas ni Gerald bilang girlfriend niya? Ano bang matapang na droga ang nalagok niya at iyon pa ang naisip niyang ipagawa sa'kin? Sarap niyang ipatokhang! Naiimagine ko tuloy kung ano yung senaryo kapag legit akong pinakilala ni Gerald sa mga tao bilang girlfriend na opisyal...
"Hoy babaeng di naman kagandahan!"
"Sino ka sa akala mo para agawin ang baby Gerald namin?!"
"Ang chaka mo para maging jowabels ng papa Gerald namin!"
"Huwag kang masyadong umasa ghorl!"
"For sureness, kaya siguro pinakilalang girlfriend iyan ni Gerald dahil naawa siguro sa kaniya! Maski mga shokoy na lalaki, walang pumatol dyan!"
"Sadyang generous lang si baby Gerald kaya pinagbigyan ka niya!"
Mga linyang ipinukol nila sa'kin habang hinaharangan ang daan ko. Matapos sabihin ang mga masasakit na salitang iyon ay saka pinagbabato nila ako ng mga itlog! Inisanggalang ko pa ang mga braso ko ngunit nabasag pa rin ang mga itlog sa balat ko kaya kumapit ang lansa at masangsang na amoy nito. Yuck!
"Tama na! Naliligo na ako sa itlog oh, di pa ba kayo kuntento?!" Banas kong tanong sa mga nanggagalaiting fangirls ni Gerald.
"Bakit kami makukuntento?! Hindi sapat ang mga basag na itlog sa kumekerengkeng na flirt ka!" Hirit ng isang babae na sa sobrang lapad ng kolorete sa mukha, parang makopa na iyong pisngi sa sobrang pula. Mga mukhang clown naman, lakas pa ng amats makalait!
"Oo nga! Dapat hindi lang itlog binabato sa kaniya! Mas maganda siguro kung ito!" Dagdag na apela nung isang bansot na nakulangan sa cherifer tapos mukha pang kabayong nausog. Naglabas ito ng isang maliit na balisong kaya tuluyang nanlaki ang mata ko!
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Teen FictionI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...