Chapter 18- mistaken devil?

1.5K 75 1
                                        

Sandra's POV || sequel of chapter 17

Kasalukuyan akong nakaluhod sa gitna ng tulay, binubuhos ang natitirang lakas at tamlay. Nakakapagod din palang mag-pagamit ng wala kang kaalam-alam.

Kung pwede ngang mag-imbento ako ngayon ng isang gamot para makalimot, edi sana nilagok ko na para sa sarili ko. I was literally enduring the pain. Mukhang buong gabi Kong paglalamayan ang aking pagkabigo, as if naman mawawala lahat ng sakit kung itutulog ko nalang. Alam kong hindi maiibsan nito ang matinding pagdadalamhati ng puso ko pero sa tingin ko ito nalang yung pang temporaryong paraan para mailabas ko lahat ng natatagong pait.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-tangis ng may dalawang kamay na nag-angat sa akin sa ilang minutong pagkakaluhod ko sa sementadong inaapakan ko. Nang magtama ang aming tingin ay mas lalo akong nanghina sa sitwasyon nang mamasdan ko ang umiiyak kong ina. Walang pasabi ko siyang niyakap ng mahigpit, yung yakap na nangangailangan ng kalinga at makakapitan. Yung yakap na makakabawas sa kung anong sakit ang pareho naming nararamdaman.

"Nay? Bakit ka po nandito? Bakit ka po naiyak? Nag-away ba kayo ni papa ha?"

Sunod-sunod kong tanong kay nanay na halata sa'kin ang pag-iiba ng usapan. Kumalas sa yakap si nanay at siya mismo ang nag-pahid ng aking mga luha gamit ang kaniyang palad. Hinawakan ko ang palad niyang patuloy na humahaplos sa'king pisngi ngunit di ako umimik para magsalita, hinayaan kong kusa siyang magsalita.

"Masakit sa isang ina na nasasaksihan niyang lumuhod ang anak sa gitna ng mga iyak, sugat at kapagurang walang humpay na hindi siya nilulubayan."

Naluluha nitong sambit na may kahulugang nais ipahayag na agad ko namang nakuha. Mas lalo akong naiyak dahil hindi naman ako tanga para di malamang ako ang tinutukoy niya.I heard her cry again without noise. She just continue to wipe my cheeks with her caressing looks.

"Masakit sa isang ina na lihim na palang nasasaktan ang anak. Bakit Hindi mo sinabi ang tungkol sa inyo ng baliw na Gerald na iyon?"

Nagulat ako sa mga sinambit ni nanay, wala kasi akong pinagsabihan ng malaking kalokohan na iyon kundi si patricia. Unless na lang kung umamin siya kay nanay. Pero kilala ko ang kaibigan ko. Hindi siya basta-basta magsisiwalat ng sikreto kung ang magiging bunga ay ang pagkagalit ko. Kung ganon, sino ang malakas ang loob na nag-kwento kay nanay ng mga iyon?

Mukhang nausisa ni nanay ang mukha kong gulat na gulat at hindi pa makapagrehistro sa'kin ang tanong niya kaya hinawakan niya ang pareho kong kamay.

"Hindi mo kailangang masindak dahil nagtatanong lamang ako. Bagay na kailanman ay hindi mo sinalaysay sa'kin."

"Nanay..."

Mahinang bulong ko nang bigla ulit siyang umiyak kaya muli ko na naman siyang niyakap. Oo nasaktan ako pero mas hindi ko maaatim na makitang nasasaktan ang sarili kong ina. Sobra ang pagsisisi ko sapagkat kinubli ko lamang ang lahat sa'king sarili.

The Badboy is Inlove With The Simple As I am  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon