Still Sandra's POV || meet his parentsNanginginig pa rin ang mga kamay ko habang nakayakap kay nanay. Simula nung nangyari ang insidente kay Gerald na ako mismo ang nakasaksi ay di ko na siya ulit nakita pa dahil itinakbo agad siya sa emergency room. Pagkakataon na din para bisitahin si nanay sa kwarto niya ngunit di ko maiwasang mag-alala para sa kalagayan ni Gerald. Niligtas niya pa rin ako sa kabila ng lahat.
"Shh, tahan na anak. Matapang na tao yata ang binatang iyon. Sigurado akong makakaya niyang lampasan ito."
Pag-aalo ni nanay habang hinahaplos ang aking buhok. Niyakap ko lang siya ng mahigpit at pumikit ng mariin ngunit talagang kahit anong false hope o pampalubag loob ang marinig ko ay hindi maiiwasang mangibabaw sa'kin ang nangyari kay Gerald.
Kinasusuklaman ko si Franceska pero di ko magawang magtanim sa kaniya ng galit dahil alam kong binubulag lang siya ng galit niya. Siya ang tunay na salarin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito pero sumasagi sa isip kong siya nga ba talaga? Feeling ko kasi ako ang may kasalanan. Siguro kung hindi ako pumasok sa buhay nila ay wala siguro kami sa sitwasyong kinakaharap namin ngayon.
"Anak, nararamdaman kong gusto mong puntahan si Gerald. Lumarga ka na at kaya ko na ang sarili ko."
Nakangiting sambit ni nanay saka kumalas sa yakap ko. Sinuklian ko lang siya ng matipid na ngiti at saka pinahid ang mga luhang nagsitakas sa aking mata.
"Babalik ako nay, mabilis lang po ako."
Sagot ko saka ko inayos ang kumot pabalot sa katawan niya saka lumabas ng payapa sa kwarto.
Habang papunta sa lugar kung saan naka-puwesto si Gerald ay tila ba bumibigat ang loob ko. Na sa bawat hakbang ko'y dala ko ang pagsisisi at pag-aalala.
Pinihit ko ang saradura ng pinto sa kwartong napagtanungan ko sa lobby kung saan naka-confine si Gerald. Nagsuot muna ako ng lab dress, surgical mask bilang proteksyon kung dadalaw sa pasyenteng nasa critical ang kondisyon.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto'y sumalubong sa'kin ang tunog ng mga aparatong nakakabit sa katawan ni Gerald. Ang kaninang pagpipigil ng luha ay muling bumuhos nang masilayan kong di pa nagmumulat si Gerald.
Dahan-dahan akong lumapit sa higaan niya at pinatong ang kamay ko sa kamay niya. Habang pinagmamasdan ko siya'y nadudurog ako.
"Hindi magandang biro to. Tama na Gerald. Please bumangon ka na dyan."
Bungad ko sa pagitan ng hikbi. Mas matatanggap ko pa sana kung literal lang na natutulog siya, atleast may aasahan pa akong gigising siya kesa sa ganito.
"Badboy ka diba? Playboy, pasakit sa mga teacher, wrecker, ano pa bang gusto mong ibansag ko sa'yo para gumising ka?"
Sinusubukan kong magbiro kahit deep inside napakasakit nito sa'kin. Deep inside parang tinutusok ng milyon-milyong palaso itong puso ko.
"Gerald naman eh! Bakit mo ba kasi ginawa yon? Bakit kailangang ikaw ang sumalo ng balang dapat ako ang tatamaan? Bakit kailangang ikaw ang lumagay sa posisyon na dapat ako yung nandyan? Nasisiraan ka na ba ha? Sa tingin mo ba, hindi ako nasaktan sa ginagawa mo sa sarili mo? Nakakainis ka talaga eh."
Patuloy kong sambitla habang umiiyak. Kung hindi siya humarang edi sana ako ang nagdudusa sa sakit ngayon. Heto na naman ako at umiiyak sa iisang rason at sa iisang tao. Palagi nalang.
Sa kalagitnaan ng pagkakaupo ko'y bumukas ang pintuan at bumalandra sa'kin ang bulto ng isang maawtoridad na lalaki at sopistikadang babae. Natitiyak kong sila ang magulang ni Gerald kaya napatayo ako. Bakas sa kanilang mukha ang pagkagulat.
![](https://img.wattpad.com/cover/147060840-288-k402790.jpg)
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Novela JuvenilI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...