PROLOGUE

510 8 8
                                    

"Kailan lipad mo niyan?". Tanong ni tita na kausap ko sa telepono, umiling ako at natawa sa tanong nito. 


"Tita, nagaaral pa lang ako ano. Advance ka eh".


Narinig ko siyang natawa sa kabilang linya, "Sorry na, excited lang kami ng mama mo na makita ka sa eroplano". Napangiti ako sa sinabi nito.


Tita Cara and mom are my number one fans; they saw my ups and downs yet they stay and do their best to support me. Sobrang swerte ko na meron akong sila.


"Nga pala, anak. Miss ka na ng mama mo, kailan ka ba ulit dadalaw dito?"


Napatingin ako sa kalendaryo na nakalagay sa lamesa ko, halos isang buwan na din pala ako hindi nakakauwi sa amin.


"Pasensya na tita, sobrang dami kasi naming gawain ngayon. Next week, promise 'yan. Uuwi na ako diyan". Sobrang miss ko na din silang dalawa eh.


Narinig kong tumili si tita kaya medyo nilayo ko ang telepono sa tainga ko, kilig yan? 


"Wahh! Sasabihin ko iyan sa mama mo at maghahanda na kami ng lulutuin". I let out a small laugh at her.


"Wag ng masyadong marami, tita. Ako lang naman uuwi eh". Masyadong tight ang schedule nila Abi at ni Cassandra kaya siguradong ako muna ang dadalaw sa amin.


Madalas kasing sumasama ang dalawang iyon kada umuuwi ako eh kaya expected mo na kapag uuwi ako ay talagang akala mo may fiesta sa dami ng pagkain sa hapag.


"Ayy oo nga pala, kahit na. Magluluto kami ng paborito mong kaldereta, gusto mo iyon?". Masaya akong tumango kahit hindi nito makikita sa telepono.


"Syempre po, sige na tita. Magiingat ho lagi kayo ni mama diyan".


"Oo naman, sige na anak. Ingat ka din". I smiled genuinely as we ended the call, gumaan lalo ang pakiramdam ko noong nakausap ko si tita.



Bago pa man ako makalabas ng kuwarto ay may biglang pumasok at nagingay, sino pa ba? Si Abigail lang naman, humahangos itong tumakbo papalapit sa akin at dumapa sa kama ko.


"Bes, ang ganda ng damit na inorder ko ohh". Kinakalikot niya ang telepono niya at may ipinakita sa aking damit, kulay pulang bestida iyon. Kahit kailan talaga itong si Abi eh.


"Magipon ka din huy! Wag puro waldas". 


Pangaral ko sa kaniya, iyon lang kasi ang bagay na nagpapasaya sa kaniya. Online shopping at unboxing ng mga nabibili niya.


Ngumiti ito ng maloko at hinatak ang kamay ko na para bang nagmamakaawa, "Hayaan mo na ako, bes. May limit lang naman ako ihh, nagiipon na din ako ano. Para pag dalaw natin sunod kila mama mo ay bibilhan ko sila ng magagandang damit".

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon