CHAPTER 1

205 5 4
                                    

"Wahh! May bagong labas nanaman na bag!". Dinig kong wika ni Abigail sa aking gilid, hay naku kahit kailan talaga.


Naglalakad na kami papasok sa elevator dahil papunta na nga kami ng UST, syempre magaaral diba? Joke.


Tahimik lang ako habang naglalakad kami at hanggang sa makapasok sa elevator, bigla kong narinig na may kausap na sa telepono si Abi.


"Ahh a-ano? O-oo sige lang, pwede ka naman pumunta". 


Nagtapon ako ng tingin sa kaniya at nagangat ng kilay, she's talking to that player again.


Napasinghap na lamang ako at tumingin sa harapan, hindi ko ba alam.


Matalino naman siya, maganda naman siya, maraming pwedeng magkagusto sa kaniya pero bakit pa siya nananatili duon sa taong wala ng respeto at pagmamahal sa kaniya? Hindi ko nga alam kung minahal ba talaga siya eh.


Puro papogi lang ang alam at puro kahanginan, he is not a man because he doesn't treat a woman right. Tsk.


"H-hindi na ako sasama, ikaw na lang. Sige". At tinapos na nito ang tawag, nakakainis lang talaga.



Hindi ko pinansin si Abi kahit na kumakapit siya sa braso ko, "Sorry na, Jai. Mahal ko kasi yung tao eh". Nagpanting ang tainga ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.


"Naririnig mo ba sarili mo? Mahal mo? Tama na nga iyan, Abi. Ilang beses ka ng niloko at pinaglalaruan ka na lang tapos ikaw naman ito hinahayaan mo pa". Inis kong bulalas at nauna ng maglakad.


Kumirot ang puso ko sa kalagayan ng kaibigan ko, grabe namin siya pahalagahan ni Cassandra tapos gaganunin lang siya ng CJ na 'yun? Makakatikim talaga yung lalaking 'yun.


Nauna na akong pumasok sa klase at hindi ko na siya pinansin pa, ayaw kong makapagsalita pa ng masakit. I value her feelings and emotions pero kapag nanatili pa ako duon at narinig ang mga kamanhidan niya, bahala na lang.




I listened carefully to our prof habang nagsasalita ito sa harapan, hindi ko na nga maabsorb ang iba dahil si Abi talaga ang laman ng isip ko. Hyss.


"Class dismiss". Kaagad kong iniligpit ang gamit ko at pumunta na sa canteen, sabay-sabay kaming kakain tatlo.


Umupo ako sa harap ni Abigail ng hindi pa din nagsasalita, I open my bag and pull out my lunch. Kumain ako ng tahimik habang nagiintay kay Cassandra.


Habang tahimik akong kumakain, may humatak ng kainan ko. I look up and saw Abi, she looks like she's going to cry. Binitawan niya ang lunch box ko at lumapit sa tabi ko, she immediately clings to my arm and sob.


"S-sorry na, Jai. Wag ka ng magalit, hindi ko kayang hindi mo ako pinapansin eh". Sumisinghot-singhot pa ito, I held her head and raise it a bit.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon