CHAPTER 10

98 2 2
                                    

"Thank you talaga, Grey ah". Wika ni Abi na nakaupo sa back seat ng kotse ni Grey, nakita kong tumango si Grey at tinignan si Abi sa rearview mirror.

"It's my pleasure". Nakangiti nitong wika at biglang bumaling ang atensyon sa akin. 

"I should thank Jai for letting me drive you guys to your destination". Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko iyon pinahalata.

Tumango ako sa kaniya, "Wala iyon kami nga dapat magpasalamat sayo, weekend ngayon at walang pasok pero hiniram namin yung oras mo".

"It's my decision, I am actually free today so no worries". Tugon niya nang sumingit bigla si Abi, "So, kayo na ba?".

Pinanlakihan ko siya ng mata, grabe naman! "Huy! Abigail, manahimik ka nga diyan". Saway ko at may matching palo pa sa braso, kahit nasa shotgun seat ako ay kaya ko siyang abutin.

"Luh! Bakit?". Tanong ni Abi, nakita kong tumatawa si Grey habang nagmamaneho kaya hinampas ko din ang braso niya na dahilan ng pagtingin niya sa direksyon ko. 

"What?". Inosente niyang tanong pero may halong pagbibiro ang tono.

Sigurado akong pulang-pula na ang mukha ko, argh!

"Eh kasi naman, ang advance mo magisip. Quiet ka nga". 

Saway ko kay Abi pero hindi siya nagpatinag at inangatan pa ako ng kilay, "Girl, hatid-sundo ka these past few weeks tapos wala pa-".

Nilamon na ako ng sobrang hiya kaya tinakpan ko na ang bibig niya, "Mananahimik ka o ibabato kita palabas?". Panakot ko habang nakatakip pa din ang kamay ko sa bibig niya, narinig kong lumakas ang tawa ni Grey.

Sinamaan ko ng tingin si Abi at tumungo sa direksyon ni Grey, "Tsk, happy?". Irita kong wika, nakakahiya kaya! Hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kami o ano eh.

He looks at me pretending to look innocent, "What? It's not like she said something wrong, that hatid-sundo part is true but the dating part... Not yet". Lumaki ang mata ko sa sinabi niya sa dulo.

May nakita akong ngisi sa labi niya na parang pigil na pigil pa, "A-anong not yet ka diyan? W-wag kang magbiro, matatandaan iyan ni Abi". Wika ko at tumingin na lang sa labas ng sasakyan.

Sobrang init ng pisngi ko, oh my gosh!

Narinig ko ang tawa nila ni Abi habang nakatalikod ako, ang lokaret na Abi bumulong pa kay Grey pero rinig na rinig ko naman. "Sensya na, masyado ka kasing crush niyan kaya nahihiya".

Mabilis kong ibinaling ang ulo at atensyon ko sa kanila, "Hoy! Sinungaling ka!". 

Sige, deny lang ng deny at tuluyan ng lumabas ang ngisi na kanina pa pinipigilan ni Grey. Umangat-angat pa ang kilay niya na parang nangaasar.

"Ohh really? I did not know; can you tell me more?". May pangaasar na kaakibat ang boses niya habang kinakasabwat si Abigail, hindi naman natigil yung isa at nakisali pa. 

"Well, hindi buo ang araw niya without stalking your account, she always views your story at umiirap kapag-".

Mabilis kong binato ang hawak kong cardigan kay Abigail na kaagad nagpatahimik sa kaniya, "P-puro ka kasinungalingan, Abi. H-hindi kita ganiyan pinalaki". Nagdarasal ako na huwag nilang tignan ang tainga ko dahil sigurado akong sobrang pula na nun.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon