CHAPTER 12

71 1 0
                                    

"Magchat kayo ha?!". Sigaw ni Cassandra nang papalayo na kami sa direksyon niya, hindi daw muna siya makakasabay dahil may pupuntahan sila ng kuya niya.

Nag-okay sign kami ni Abi at naglakad na palabas, "Kita mo yung ngiti ni buwan?". Masaya kong tanong kay Abigail, tumingin si Abi sa akin at tumango-tango din.

"Mukhang may nagpapasaya na". 

Malokong wika ni Abi pero sumang-ayon ako, ngayon na lang ulit namin nakitang ngumiti ng ganun si buwan.

Huling beses naming nakita ang ngiti niya na iyon ay noong unang araw ng tutoring session nila at masaya kami sa kung anong nagpapasaya sa kaniya ngayon.

Biglang natapos ang pagmumuni-muni ko nang mabangga ako sa likod ni Abi, tumigil kasi bigla sa paglalakad! 

"Huy! Bakit ka naman tumigil?". Ani ko habang hinahaplos ang noo ko.

Nauntog ako sa likod ng ulo niya eh.

Bigla niya akong kinurot-kurot sa tagiliran, "Ano ba, Abi? Lakas ng amats mo". Wika ko, nagtataka ako bakit biglang ganun ang inaasal niya.

"Humarap ka kasi dito!". Pabulong niyang sigaw sa akin na ikinataka ko kaya umalis ako sa likuran niya upang makita ang tinitignan niya sa harapan.

At nang makita ko at natameme din ako, a silhouette of a man standing proudly beside his Ford car wearing his uniform.

"Ahhh! Sanaol sinusundo!". Dinig kong tili ni Abi at hinatak-hatak pa ang manggas ng uniform ko pero nanatili akong nakaestatwa.

Nakaw pansin pa ang kotse niya, hindi ko nga alam kung yung kotse ba o yung may-ari eh. Kada may dadaan ay papasadahan siya ng tingin, duh! Nakasunglasses na Atenean? Gosh!

Akamang tatawagin na sana siya ni Abi nang may lumapit sa kaniyang tatlong babaeng estudyante kaya napahalukipkip ako at pinanood ang eksena sa harapan ko.

"Grey of Ateneo, right?"

I almost find my brain because of rolling my eyes, hindi namang halatang kinikilig siya. Hindi talaga.

Tumango naman ang loko at hindi tulad noon na may ngisi sa labi niyang babatiin ang mga lalapit sa kaniya, ngayon ay nakaseryoso siya.

"Yeah". Maikli nitong tugon.

"Do you remember us? Aphrodite Club?". Pilit na tanong ng isang babae na taga-UST din.

Wala pa ding emosyon na bumahid sa mukha ni Grey at umiling. "It doesn't ring a bell, miss". Pormal nitong tugon sa babae.

Bumahid sa mukha ng babae ang pagkadisappoint dahil hindi siya nito maalala, sila pala. Sa dami ata ng babaeng nakasalamuha niya hindi niya na talaga maaalala lahat.

"Really? I am Pepper, she's Maria and Aime"

Pagpapakilala nung pangatlong babae, hindi talaga nila matanggap na hindi sila nito maalala. "Sorry, I really can't remember you three".

Pagsabi nun ni Grey ay nagikot ito ng tingin at tumigil sa direksyon namin ni Abi, slowly a smile made its way to his lips. Mukhang kinilig yung mga babae sa pagaakalang naalala na sila nito.

"Do you remember now?". Magiliw na tanong nung pangalawang babae, I assume she's Maria. Hindi sila pinansin ni Grey at tumungo na sa direksyon namin ni Abi.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon