CHAPTER 27

164 2 0
                                    

"Ang ganda ng ngiti natin diyan ah". Napabalikwas ako nang marinig ang boses ni Syl kaya kaagad ko siyang tinawanan at nailing, ganun ba kahalata?

"Ang ganda kasi ng bungad ng umaga ko eh". I replied, binunggo-bunggo pa niya ako na animo'y nangaasar. Inirapan ko tuloy siya, muntik na kayang matapon yung mga juice na hinahanda ko.

May flight ulit kami ngayon pero pabalik na kami ng Manila ngayon, isang oras at kalahati papunta sa Cebu at ganun din pabalik.

"Mas lalo ka talagang gumaganda kapag masaya ka". I unconsciously looked at Syl's side to see her smiling widely, halata ba talagang masaya ako?

Naku, Grey! Kasalanan mo talaga 'to eh.



Flashback~~

I woke up from my deep slumber because of my phone, sino bang tatawag ng ganito kaaga? Argh! Inis kong kinuha ang telepono ko at sinagot ng pabalang ang tumatawag.

"Sino 'to? Ang aga aga eh, alam niyo po bang late ako nakatulog kagabi dahil sa naghatid sa akin pauwi?". Irita kong puna sa tumatawag.

Hindi ko na nga naisip kung sino ba talaga 'yun eh, sa huli pa naman ang hiya kaya ayos lang. Napamulat agad ako ng mata dahil may tumawa sa kabilang linya, shoot! Pamilyar yung boses.

"So, I am the reason why my baby stayed up late last night, huh?". 

Mabilis akong napabangon sa higaan kaya nahilo ako, yung mundo ko! Kausap ko! Char.

I nervously laugh, "A--ano? H—hindi, mali ka lang ng pagkakarinig". Depensa ko, nakakahiya talaga! Huwag niyo kasing istorbohin ang tulog ko eh, jusko!

His laugh echoed on the other line that makes my cheeks hotter, "Then who sent you home last night?". Playfulness is heard in his tone, bakit ba kasi padalos-dalos ka, Jairah!

"A--ano, umalis ako ulit k—kagabi". Sige, sa impyerno talaga punta ko dito! Argh!

He laughed which irritates me, "Tumawag ka para asarin lang ako?". Puna ko.

Tumigil na siya sa pagtawa na ikinagaan ng damdamin ko, phew! "No, I just miss your voice and I just call to say have a safe sky ahead".

Bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y nakikipagkarera, siya lang talaga ang nakakagawa ng ganito sa puso ko.

"Salamat, ikaw din".

"Would you visit today?". Napaisip ako sa tanong niya, oo pupunta ako para duon sa papeles na kailangan sa kotse niya.

"Yes, after flight didiretso ako diyan. Para duon sa requirements kamo sa kotse mo". Pagkasabi ko nun ay tumayo na din ako at nagtoast na ng tinapay, ayun na lang ang kakainin ko.

He went silent and I heard him blew an air, "You'll visit just for my Lexus car?". Napataas ang kilay ko sa narinig at gumuhit ang ngisi sa labi ko, ano bang gusto niyang rason ko para pumunta duon?

Sumandal ako sa counter top habang may mapaglarong ngisi pa din sa labi, "What reason would you want to hear?". I asked in a teasing manner.

He faked a cough and whispered, "You'll visit to see the CEO?". Bahagya akong natawa sa narinig, gusto niyang siya ang rason ng pagpunta ko duon.

I bit my lower lip and answer him, "Okay then, pupunta ako diyan after shift para sa pinaka baby na CEO ng H&G Corporation. Okay na?". I asked and chuckled afterward.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon