CHAPTER 7

89 4 0
                                    

"Grey! Kain na". Tawag ko dito, kumunot ang noo ko nang hindi siya tumugon.


Umalis ako sa kusina at nagtungo sa salas upang makita siyang mahimbing ang tulog, pagkatapos ng maikli naming paguusap ay pinagpahinga ko na muna siya.


Naguilty ako kasi feeling ko ako ang dahilan kung bakit siya nagkasakit, nasabi kasi ni Rhian na yung gabing sumama si Grey kila Abigail pauwi sa unit namin ay umulan. Baka sumama na yung pakiramdam niya nun.


Umupo ako sa silya na inuupuan ko kanina pa at pinagmasdan ang natutulog na binata sa harapan ko, his eyelashes were shining under the light of his condo unit, his pointed nose, his defined jaw line, and his disheveled hair.


Everything about him is still a mystery to me, every word he utters still scares me. Hindi ko na namalayan na hinahaplos ko na ang kaniyang buhok, tidying it. 


Malambot iyon at talagang naalagaan ng mabuti, napansin ko din ang maliit na pekas sa kaniyang pisngi.


It's a small scar but it looks deep before, marahan kong pinaglandas ang dulo ng hinlalaki ko duon at mas lalo lang akong naguluhan sa bilis ng tibok ng puso ko. Saan kaya niya nakuha ito?


"My nurse is really beautiful". 


Napatalon ako sa kinauupuan ko nang magsalita siya, naramdaman ko ding naginit ang buong mukha ko. Argh!


Pilit kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at tumingin sa ibang direksyon, "K-kain na, tapos na akong m-magluto".


Sabi ko at akmang aalis na pero hinablot niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa sofa na hinihigaan niya.


May mapaglarong ngiti sa kaniyang labi na tila ba walang lagnat kanina, "Your cheeks were as red as a tomato, you're blushing". Pangaasar niya, hindi ako nagpatalo at pinitik ang noo niya.


Dumaing siya at hinaplos-haplos ang noo niya, "Puro ka kalokohan, kung iwan na kaya kita dito?".


Bigla siyang pumikit ng mariin at humawak pa sa leeg niya, 


"J-jai, sobrang taas pa ng lagnat ko oh. Kaya mo ba akong iwan ng ganito?". Natawa ako bigla sa inasal niya, he tried to sound not okay.


Nagbiro akong tumayo at akmang kukuhanin ang bag ko nang bigla din siyang tumayo at inilayo sa akin ang bag ko, humalukipkip ako at tinignan siya ng masama.


Napakamot ito sa batok niya at marahang kinuha ang kamay ko, "J-joke lang, tara na kainin na natin yung niluto mo".


Parang bata, umiling na lamang ako at ngumiti. "Tara na". 


Pagaaya ko at hinatak ko na siya papunta sa kusina, pinaupo ko siya sa upuan at inilagay sa harapan niya ang isang bowl ng lugaw na niluto ko.


My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon