"Anak, nakausap ko na si Rhian. Kahapon raw siya lumuwas galing probinsya, nariyan na raw siya sa Maynila ngayon".
Usal ni nanay habang kausap ko siya, naglalakad na ako papunta sa UST.
Hindi ko kasabay si Abigail ngayon dahil masama raw ang pakiramdam niya kaya lumiban muna ng klase, nagpaalam na siya kila prof.
"Sige po, ma. Itetext ko na lang din po siya, ayun pa din po ba ang numero niya?". Tanong ko. "Oo anak, ayun pa din".
"Sige po, mama. Ingat po kayo diyan, papasok na po ako". Magiliw kong wika na kaagad naman tinugunan ni mama.
"O sige, anak. Mag-iingat ka diyan ha?".
Napangiti ako sa sinabi ni mama, kahit napakasimple nun pakinggan para sa iba. Para sa akin ay sobrang laking bagay na nun. "Opo, mama. Kayo din po ni tita". Nagpaalam pa si mama at ibinaba na din ang tawag.
Naglakad na ako patungong eskuwelahan at nang makarating ako duon ay nakita ko kaagad si Cassandra, tumakbo ako at inakbayan ito. Nilingon niya ako at inirapan, sungit.
"Aware ka naman sigurong mabigat ka, Jai?".
Natatawang wika nito, bumitaw ako sa pagkakaakbay sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Apakasama nga naman ng lahi nito, siya lang pala.
"Ang sungit mo atyaka hindi ako mabigat ano, ikaw nga ang matakaw eh". Pinandilatan ko pa siya ng mata para dama.
Tumawa ang lokaret na parang natutuwang inisin ako, nahawaan na siya ni Abigail. Napansin kong tumingin si buwan sa likuran ko, speaking of Abigail baka si Abi ang hinahanap.
"Ohh, saan na si Abi?". Diba? Galing ko talaga!
"Masama ang pakiramdam, di daw muna siya makakapasok ngayon, bes". Kinawit ni Cassandra ang kamay niya sa braso ko at sabay na kaming naglakad papunta sa kaniya-kaniyang building.
"True ba? Bakit naman biglang nagkasakit?".
"Eh ang lokaret, feeling nasa music video nung na-heartbroken ayun... Lumabas at naligo sa ulan si bakla. Chadaa! Lagnat ang abot niya". Wika ko, kaagad kong narinig ang tawa ni Cassandra sa sinabi ko.
"Hirap mabroken ng best friend natin, Jai. Nageemote sa ulanan".
Natatawang usal nito, sinabayan ko na lang din siya sa tawa. Ganito lang kami pero alam kong masaya din itong si Cassandra na natauhan na si Abigail.
"Eh ikaw? Kelan mo balak mabroken?". Pagbibiro ko sa kaniya, biglang humarap sa akin ang buwan at inirapan ako. Naku! Maldita talaga ohh.
"Wala nga akong balak magboyfriend, mabroken pa kaya". She said sarcastically, I laugh at her statement dahil mukhang pikon nanaman si bakla.
Lumapit ako sa kaniya at kinawit na lamang ulit ang kamay niya sa braso ko, moody sila pareho ni Abigail eh. Pasalamat ang mga ito napagtitiyagaan ko sila pareho, hmpf!
"Oo na, doc. Basta pag nabroken ka, wag kang gagaya kay Abi ha? Pag broken, broken lang. Walang magpapaulan, iyan lagnat ang abot".
Tinawanan ni Cassandra ang sinabi ko, "Noted po, miss flight attendant".
Nagpaalaman din kami dahil magkaiba ang building namin, nakinig na ako sa itinuturo ng professor namin at nagtype ng mga kailangan isaulo.
BINABASA MO ANG
My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)
Teen Fiction(Us Against The Fate Series #2) When everything around us falls apart, should we keep on holding into each other's hands? I am the reason for his sudden change, I am the reason behind those genuine smiles but what if staying beside you and holding...