CHAPTER 31

150 3 0
                                    

"Uuwi ka ngayon, anak?". Napangiti ako sa tono ni mama, matagal na din akong hindi nakakauwi kaya sigurado akong masaya talaga siya.


"Opo, mama. Hindi lang po pala ako, ma". Masaya kong ipinaalam.


I heard her gasp in confusion, "Sino, anak? Sila Cassandra? Si Abigail? O si Syl? Kasama ba si Sevyn? Naku! Miss na miss ko na ang batang 'yun". Her words made me chuckle, dalawang beses ko ng nadala sila Syl sa bahay namin.


Una ay noong training pa lang namin ni Syl at walang magaalaga kay Sevyn at saktong naghahanap ng kasama sila mama dahil nabobored na raw sa bahay, pangalawa naman noong sinabi ni Sevyn na gusto niya ulit makalaro si mama kaya dinala ko ulit sila mag-ina duon.


"Hindi po, mama. Kasama ko po 'yung favorite mo noon hanggang ngayon". Wika ko at pinagpatuloy ang pagluluto, natutulog pa si Grey at mukhang pagod sa business trip niya nitong mga nakaraan kaya hinayaan ko muna.


Pahirapan pa nga makatakas sa kaniya eh, paano kapag kakawala na ako o susubok akong tumayo ay yayakapin ako ng mahigpit. Ang ending, tanghali na ako nakabangon. Galing 'no?


Narinig ko ang pag singhap ni mama na ikinatawa ko, "H--huwag mong sabihin na si... Anak! Si Grey ba?!". Nailayo ko ng kaunti ang telepono sa tainga ko at natawa ng bahagya.


Tumango ako na animo'y nakikita ako ng kausap, "Tama po, mama. Kasama ko po siya mamaya".


Narinig ko ang malakas na tili ni mama, "Naku! Ate Cara! Kasama ng dalaga natin si Grey mamaya!". Mabilis akong natawa sa inasal ni mama.


Maya-maya ay narinig ko din ang pagtili ni tita Cara, "Talaga?! Kayo na ulit?! Ahh! Kailan ang kasal, anak?". Namula ang pisngi ko, kasal agad?


"Hay naku, ate! Kasal agad? Hayaan mo na ang tita mo, anak. Masaya lang kami para sa inyo, sige na at maghahanda na kami ng tita mo". She said excitedly.


I chuckled, "Okay po, mama. Mahal ko kayo ni tita".


"Mahal ka din namin! Pati si Grey!". Kaagad akong natawa sa sinigaw ni tita.


"Naku, ate. Sige na, anak. Mahal ka namin". Pagpapaalam ni mama at ibinaba na ang tawag, ang swerte ko sa kanila.


Muntik na akong mapatalon nang may bisig na yumakap sa beywang ko mula sa likuran, I smell the familiar scent that always calm my system. 


"Good afternoon na". Natatawa kong bati dito.


Narining ko ang mahina niyang tawa sa pagitan ng leeg ko, nakapatong ang mukha niya sa balikat ko kaya naaaninag ko ng bahagya ang mukha niya.


"You're cooking adobo?". He asked in his deep yet husky voice.


Tumango ako kaagad, "Yes, sabi mo kagabi gusto mo ng adobo. Kaya ito ang niluto ko". Pagtugon ko.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon