CHAPTER 9

79 2 0
                                    

"Huy! Gumising ka na, aalis na ako". 

Niyuyugyog ko ang balikat ni Abigail, nasa baba na si Grey at ihahatid niya ako sa eskuwelahan.

Hindi umimik si Abigail kaya mas niyugyog ko siya, "Abi! Bumangon ka na, may pasok pa tayo!".

Lumipat siya ng puwesto at minulat ang isang mata niya, "Mauna ka na, sa second class ko na ako papasok".

Pumalatak ako at lumuhod sa tabi nito, "Ano? Sayang yung first class mo, buti hindi architecture class mo 'yun pero kahit na. Tumayo ka na at sumabay ka na sa amin". Pamimilit ko.

Umiling-iling siya at may sumilip na maliit na ngisi sa labi niya, "Mauna na nga kayo ni Grey... Gagawin niyo pa akong third wheel eh. Sige naa". Tinulak niya pa ako kaya napatayo na lang ako at bumuntong hininga.

Tamang katamaran talaga eh.

I tsked and look down at her sleeping figure, "Pumasok ka sa second-class mo ah? Hindi na ako magluluto kapag hindi ka pumasok duon". Nakapameywang pa ako na parang nanay na pinapagalitan ang kaniyang anak.

Tumango ito at tumalikod na, "Opo, nay. Isara mo yung pinto ah?". 

Huminga ako ng malalim at lumiyad na para halikan siya sa pisngi, dual purpose 'yun. To check her temperature and to remind her that I am always here for her.

"Tawagan mo ako kapag kailangan mo ako, kahit hindi... Basta tumawag ka kahit kailan". Bulong ko malapit sa pisngi niya at nakita kong tumango siya ng bahagya.

Tumayo ako at kinuha na ang bag ko upang mauna na, tinapunan ko siya ng sulyap sa huling pagkakataon at lumabas na ng unit namin.

She's been so distant to me these past few days, hindi na siya nagaaya ng midnight snack, hindi siya masyadong magana kumain, hindi din niya ako tinatawagan habang nasa klase para guluhin.

Nagaalala ako sa kalagayan ni Abi, her personality is as strong as a rock but her mentality is what I am worried for.

Hindi ko na namalayan na nakababa na ako at nasa harap ko na si Grey, nang makita ako nito ay lumabas ang mumunting ngiti sa kaniyang mga labi pero maliit at pilit na ngiti ang naitugon ko.

"Goodmorning". 

Matamlay kong usal, Abi is still bugging my mind. Nagaalala ako para sa kaniya pero alam ko naman na alam niya na wala siyang kailangang ikahiya sa akin.

Nakayuko akong lumapit kay Grey at sa di inaasahan, naramdaman ko na may matibay na bisig ang yumakap sa akin. Hinigpitan nito ang yakap sa akin at naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko mula sa likuran kaya napabuntong hininga ako.

"What's our problem? Hmm?". 

Kalmado ang boses niya at maamo hindi tulad ng nakasanayan kong tono nito, ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at huminga ng malalim.

"Si Abi, nagaalala ako para sa kaniya. Wala siya laging gana, hindi na siya malikot at maingay. Nararamdaman ko, Grey... There's something bothering her pero hindi niya sinasabi sa akin".

Nalulungkot ako, hindi na ako sanay na ganun si Abi. Mas gusto kong iniinis niya ako at iniistorbo kesa sa ganito.

Hinagod ni Grey ang likuran ko at bumulong sa tainga ko, "Maybe she needs time to think of it by herself first... Give her time and I am sure she'll spill it to you". Marahan niyang wika.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon