CHAPTER 20

163 1 0
                                    

"What are you feeling right now?". Tinignan ko si Cassandra na naglapag ng dalawa pang bote ng alak sa harapan ko at dalawang baso ng apple juice sa harapan niya, after minutes of crying I finally had the strength to wipe my tears away.

Nanatili akong nakatulala, nakatingin sa kawalan. 

"I feel empty...". Hindi ako kailanman magsisinungaling kay Cassandra, I hate the feeling na nalaman niyang kami na ni Grey sa ganitong paraan.

Ramdam ko ang pag-akbay sa akin ni Cassandra at pareho kaming sumandal sa headboad ng kama niya, "Hindi ko ba maintindihan, sobrang tapang ko nung sinabi kong walang mawawala sa amin kung susubukan namin pero parang mawawala pa ata lahat ng mayroon kaming dalawa dahil duon".

I loathed myself, I really do. Kung hindi lang sana ako nagpumilit na dalhin niya ako duon sa pamilya niya, hindi sana kami ganito. Magkasama sana kami at masaya habang nanonood ng mga paborito naming palabas.

"Alam mo, napaisip din ako sa sinabi mo kanina". Wika ni Cassandra kaya natuon ang atensyon ko sa kaniya, tumingin siya sa mga mata ko na tila ba seryosong-seryoso. 

This is one of the things that I love about Cassandra... If you're serious, she will never take you as a joke.

"Kung ayaw mong masira siya, huwag mo siyang iiwan...". Aniya at lumagok sa apple juice na nakalagay sa malaki niyang baso at sinamahan akong tumingin sa kawalan.

"Dahil sa mga naikwento din sa akin ni Abi and the way I observe the situation, ikaw na lang ang mayroon siya. Maybe his friends and his brother pero ikaw ang dahilan niya ngayon sa lahat. Kung hindi ikaw ang mundo niya, he will not agree. Hindi mo siya mapapapayag makipagkita sa mga magulang niya". 

Nasaktan ako sa mga sinasabi ni Cassandra, I realize how selfish I am to take him for granted these days.

Sandaling natahimik si Cassandra at kalauna'y tumingin muli sa akin, "If you don't want to see his hardest downfall then keep loving him... That's the only way you can help him". 

And her words acted like a bullet that strikes my soul from within and made me think about lots of things.

Paano kung wala nga akong pwedeng maiambag sa kinabukasan niya? I don't want to trouble him pero ayaw ko din siyang mawala... Ayokong mawala yung kami pero paano kung mayroon ngang kami pero siya naman ang muling mawala?

Napahinga ako ng malalim at naipikit ko ang aking mga mata... Tama si papa, komplikado nga ang lahat sa pag-ibig.

Hindi ko ba pwedeng hilingin na maibalik namin ang oras? At sa pagkakataon na iyon, papakinggan ko siya at hindi na ako magpupumilit pang kitain namin ang mga magulang niya.

I should've listened to him before I act impulsively... But what can I do? That's the only way that I thought I knew to prove the world that my love for him is sincere.

Paano na ang lahat ngayon?

"Don't make a foolish move that you'll regret at the end, hindi lang ikaw ang masasaktan... Ang lalaking nabuo ng dahil sayo ay muling guguho kapag mali ang naging desisyon mo, so, think first before you decide". Dinig kong wika ni Cassandra sa tabi ko na ikinagulo lalo ng isip ko.

Magiging sapat kaya ang pagmamahal namin sa isa't isa para mapanalo ang laban na ito?








"Ang tagal nama nun ni Abi". Reklamo ni Cassandra habang nag-iintay kami dito sa cafeteria, naunang lumabas si Cassandra kay Abigail na hindi namin alam bakit tumatagal ngayon.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon