CHAPTER 21

130 1 0
                                    

2 years had passed since the day they parted ways...

"Ohh ayan na, picture ng bago niyong house! Binigyan na kita ng 30% discount ah, pasalamat ka talaga maganda ako". Mabilis akong natawa sa sinabi ni Abigail, kahit kailan talaga itong alien na 'to eh.

Dalawang taon na ang lumipas pero ganun pa din ang kabaliwan niya, sobra pa din.

Pinagmasdan ko ang mga larawan na inilapag niya sa harapan ko, I focused on my dreams and when I successfully reached it, ipinagawa ko ang bahay namin kung saan nakatira sila mama at tita.

A genuine smile made its way to my lips, ang sayang makita ng mga bagay na pinaghirapan ko ay unting-unti ng nagbubunga. 

"Salamat, Abi". Masya akong usal at nilingon si Abigail na feel na feel ang bagong sofa set na binili ko.

Pinisil-pisil pa nito ang foam ng sofa na inuupuan na nagpailing sa akin, "Hindi ako tumatanggap ng thank you, bilhan mo din ako ng ganitong sofa set, mars". Biro nito.

Natatawa akong tumango sa kaniya na ikinagulat nito, "Sige ba, clear your sched next week. Sofa set shopping tayo". Wika ko at kumindat pa.

Hindi siya makapaniwala kaya nakaawang ang bibig nito kaya maloko kong tinapik ang pisngi niya, "Isara mo 'yan, kawawa ang langaw na papasok, mars". Sinamaan niya ako ng tingin at umirap pa, sa langaw kasi ako naaawa eh.

Paano papasok sa bibig ng alien? Char.

"Sabi mo 'yan ah...". Tumango ako upang kumpirmahin at nginitian ako nito ng mala-aso, "Grabe, wala ka bang lipad next week?". Tanong niya.

Mabilis akong umiling, wala akong flight next week dahil hindi naman araw-araw eh may pasok ako. 

"Wala pero this week meron, Japan ang ruta ko, bes". Nagyayabang pa akong nagangat-angat ng kilay ko, ngumisi ang lokaret at binato ako ng unan pero kaagad ko iyong nasalag.

"Ang taray naman". Pangaasar niya.

"Isang araw lang kami mananatili duon tapos balik na ng Pilipinas". Sa trabaho namin kung mahilig kang magtravel ay magugustuhan mo talaga, it's actually enjoyable.

"Ang yaman mo na, mars. Boyfriend na lang kulang". Pangaasar ni Abi na sininghalan ko, "Wala akong plano, baliw".

Nailing-iling siya at pumalatak pa, luh!

"Alam mo kayo ni buwan, ang bitter niyo na ahh". Wika nito.

"It's not being bitter, we just set our priorities right". Depensa ko, masyado din kasing mahirap.

Nagkibit-balikat ito sa sinabi ko, "Okay okay, support lang naman ako sa inyo kahit tumanda pa kayo ng dalaga". Naistress lang lalo ako dito kay Abi, hay.

Dalawang taon na ang lumipas pero ang pagkakaibigan naming tatlo ay kasing tibay pa din ng ulo ni Abi, char!











"Songs naman, Grey! Pahamak ka talagang mokong ka, magaaya sa bar pa amp!". Reklamo ni Cole pagkaupong-pagkaupo sa sofa, as usual nagtawag nanaman ng '911' si Grey para tipunin silang lahat.

Sabay namang umupo si Tyrone na naka-black na slacks at long sleeves and his hair is pushed back because of the gel he puts on his hair; he has the Rolex watch stunningly wrapped on his wrist.

Hiro on the other hand is wearing a white dress shirt with a pair of specs gorgeously placed in the bridge of his pointed nose, a CEO attire.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon