CHAPTER 23

151 0 0
                                    

"Girl, after flight mo sunduin mo ako ah". Napailing na lang ako sa sinabi ni Abi, paano ba naman yung kotse niya nakalimutan niyang pagasulinahan.

Pa-boracay pa naman ang flight ko pabalik, "Oo na, basta itetext kita pag malapit na ako diyan". Tugon ko, wala namna akong choice baka umiyak pa iyon pag hindi ko sinundo.

Yung kotse pa talaga niya ang walang gas eh sa archi siya tapos palipat-lipat pa siya ng site na kailangang tignan, hay naku!

"Yes, ma'am. Ingat sa paglipad". Aniya.

"I will". Tugon ko at ibinaba na ang tawag.

Nakita ko si Syl na nilalaro ang mga daliri niya habang nag-iintay kami ng flight namin, ano kayang tumatakbo sa isip nito? Nilapitan ko siya kaagad at tinapik ang balikat niya, gulat na gulat naman, mamsh!

"Anong ganap, Syl? Ayos ka lang?". I asked, she shook her head in disapproval.

"Hindi, Jai. Kilala mo si Sevyn diba?". Tanong niya kaya kumunot ang noo ko, she's pertaining to her daughter. 

"Oo, si bebe girl mo". Simple kong tugon.

Napahinga ito ng malalim na animo'y problemadong-problemado, ano kayang nangyari? "Ayos lang ba si Sevyn? May sakit ba siya?". Mabilis naman siyang umiling bilang pagtanggi, bakit kaya?

She looks at my eyes and say, "I saw her father...". Natigilan ako sa sinabi niya, Syl had a baby on her mid 20s pero hindi kinilala ng ama ng anak niya ito. Such foolish man, right?

Napabuntong-hininga si Syl at itinuloy ang sinasabi niya, "He wants to get Sevyn, he is one of the successful businessmen in Asia now pero itinanggi ko na sa kaniya si Sevyn". Her voice is full of fear, I know what she is afraid of.

Na ihiwalay sa kaniya ang anak niya, every mother's fear indeed.

Ang kapal naman ng mukha nung lalaking iyon, pagkatapos niyang ayawan at hindi kilalanin ang mag-ina niya kapag ayos na ang buhay at tahimik tiyaka siya darating at guguluhin iyon? Tsk.

"Natatakot ako, Jai. I don't want him to get Sevyn away from me, hindi ko kakayanin ng wala sa akin ang anak ko". 

Mabilis ko itong dinaluhan at niyakap ng mahigpit, hindi man ako ganap na magulang na pero ramdam ko pa din ang sakit at takot niya.

I patted her back as I caress her hair, "I know you can do it; you can fight for the both of you. I admire you for being so strong despite everything, Syl. Kaya naniniwala ako na kaya mo din 'to". Pagpapagaan ko sa loob niya.

Hindi man siya umiiyak pero ramdam ko ang panghihina niya, how dare that man come back and tell Syl that he will take their daughter away from the mother? Eh wala nga ata siyang inambag sa pagpapalaki ng bata, everything was served on Syl's plate.

"N--natatakot ako, Jai. He is powerful, he has many connections, kaya niyang kunin sa akin ang anak ko. H—hindi ko kakayaning malayo sa akin si Sevyn, Jai". Nanlumo ang puso ko sa narinig, that man don't deserve Syl in any ways.

"Hindi natin hahayaan, Syl. I know some attorneys here, kapag dumating na sa puntong iyon ay hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ka. You deserve Sevyn in any way after every pain and hard work you did just to survive her".

Densyl became one of my closest friends and this what friends do for each other, "I got your back, Syl". Pagpapagaan ko sa loob niya, I heard her sigh and she hugged me back.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon