CHAPTER 6

106 4 2
                                    

"Oh, bakit bigla ka naman ata umuwi ng hating-gabi?". 

Tanong ni tita habang nagluluto ako ng almusal, tulog na si tita kagabi noong dumating ako kaya hindi na siguro niya napansin.

Narinig ko si mama na ang sumagot sa tanong ni tita, "Ano ka ba Cara? Syempre mamimiss tayo niyang dalaga natin kaya kahit dis-oras na ng gabi ay uuwi iyan". Nilingon ko si mama at nakitang nakatingin din siya sa akin, kumindat pa siya.

Alam ni mama na ayokong dumadagdag sa problema ng iba kahit na si tita, alam kong madami din silang isipin na hindi nila sinasabi sa akin kaya mas mabuti pang manahimik at magpakatatag na lang ako.

Biglang lumapit sa akin si tita at kinurot ng bahagya ang tagiliran ko, "Aysus, dalaga na ang baby namin pero ang sweet sweet pa din". Magiliw na usal nito.

Ngumiti na lamang ako at itinaas ang kamay ko na may hawak na spatula, "Syempre naman po, ako naman talaga ang baby niyo noon pa man". Nakangiti kong usal.

Lumabas ang magagandang ngiti sa mga labi ni mama at ni tita, siguro talagang nagsama-sama na lang lahat ng iniisip ko kagabi.

Hindi ako mababaw na dadamdamin yung nangyari sa amin kagabi ni Grey ng ganun katagal, yung problema ng mga kaibigan ko, yung pangungulila ko kay papa at yung hirap na din na dulot ng pagaaral ko.

Lahat ng iyon ay ako lang ang nakakaalam, si Cassandra hindi pa din naghihilom. The deep cuts her past and her present brings her is still fresh, si Abigail alam kong ipinapakita lang niya sa amin na magiliw siya at masaya pero may mga kinatatakutan at iniiwasan din siya.

Kaya sa oras na ito, sarili ko lang ang meron ako.

Sobra ko silang mahal kaya ayaw kong pabigatin pa lalo ang mga dala-dala nila, hangga't maari ay ako ang tutulong at sasama sa kanila.

Naputol ang pagiisip ko nang lumapit sa akin si mama at inabutan ako ng pinggan upang ilagay ang sinangag na niluluto ko, ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

"Salamat, ma". If you analyze deeper, my thank you have a lot of meaning.

Thank you for being with me, thank you for standing with me and for supporting me kahit alam kong nasasaktan ka pa din sa pagkawala ni papa.

Naramdaman kong mahuhulog ang luha ko kaya tumalikod ako at inilagay na lamang ang pagkain sa pinggan, pasimple ko ding pinunasan ang mga luha ko para hindi na nila makita.

Umiling ako ng bahagya at minasahe ang mukha ko, nilagay ko ang matamis na ngiti sa aking mga labi at siniguradong walang bakas ng luha ang aking mga pisngi nang humarap ako sa hapag-kainan.

"Tadaa! Alam kong namiss niyo ang sinangag ko kaya ayan na, kain na po". Magiliw kong usal pagkalagay ko ng pinggan sa gitna ng lamesa, pinagmasdan ko ang kabuuan ng hapag.

Si mama nasa kanang bahagi, si tita nasa kaliwang bahagi at ako sa harapan. Naramdaman kong nanikip nanaman ang dibdib ko at nanariwa ang alaala na kasama pa namin si papa kumain ng umagahan.

"Naku, nasanay ka talaga ng mabuti ng papa mo. Pareho kayong masarap magluto ng sinangag". Usal ni tita pagkasubo ng niluto ko.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa, "Excuse lang po, may gagawin lang po ako saglit sa kuwarto ko". Tumango silang dalawa kaya dali-dali akong pumunta sa loob ng kuwarto ko.

Sinigurado kong nakasara ang pinto at umupo ako sa sahig, kinuha ko ang kahon na nasa ilalim ng kama ko at hinanap ang sulat na iyon.

Sulat ni papa na ibinigay sa akin ni mama noong nakapagtapos ako ng high school, nagunahan ng bumagsak ang mga luha sa aking mga mata habag binabasa ko ang liham na nasa kamay ko.



My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon