CHAPTER 19

69 1 0
                                    

"Hoy! Bumangon ka na nga diyan, kahapon ka pa diyan ah!". Bulyaw ni Abigail sa akin, ilang linggo ng ganiyan ang paraan niya ng pakikipagusap sa akin, I just don't feel okay right now.

Hindi ako humarap sa direksyon niya pero tumugon ako, "Pagod ako, Abi. Mamaya na lang ako kakain pag nagutom na ako". 

Ang sama kong kaibigan, Abi needs to learn how to cook this time dahil wala akong kagana-gana lumabas ng silid ko at magluto.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya na nagpasikip ng puso ko, ganun na ba talaga ako kasama? Para ikahiya? Para hindi piliing iharap sa pamilya? Kaagad kong inalis ang mga bagay na iyon sa isip ko at itinalukbong ang kumot hanggang taas ng ulo ko.

"Nilagay ko na dito sa mesa mo ang pagkain, I am still learning kaya sorry kung hindi masarap. I hope that y—you give my food a t—try". Aniya at narinig ko ang pagsara ng pinto ko kasabay ng pagagos ng mga luha ko.

Sorry Abi, naduduwag nanaman akong humarap sa mundo. Kabilang na sa mga taong kasama sa mundong ito, naduduwag ako na wala akong maipagmalaki sa sarili ko, natatakot akong magpanggap bilang ibang tao para ipagmalaki ako.

I never question myself before pero simula ng dumating siya... Naging posible lahat ng imposible.

Natuto akong magmahal muli ng totoo, natuto akong lumabas sa totoong mundo imbes na takasan ito at higit sa lahat... Natuto akong maging ako muli.

Katulad ng mga nakaraan, binuksan ko ang telepono ko at nakita ang sandamakmak na mensahe duon na lahat galing sa iisang tao.



Mahal ko:

Jairah Ynnah Lopez, mahal kita. Kahit na pinagdududuhan mo ang nararamdaman kong iyon para sayo uulitin ko pa din, mahal kita at mali ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko. I admit, I was crazy when you met me but that side of me was now gone. Hindi na muling babalik iyon but when you ignored me and did not visit these days, I feel like I became a freak again. I broke your heart just because of that stupid sentence... I'm sorry, baby.



Kumirot ang puso ko dahil sa pinakahuling mensahe na iniwan niya, he's blaming himself again. I admit, sobrang nasaktan ako dahil iniisip ko na baka laro lang din ba ang mayroon kami tulad ng sa iba niyang relasyon.

But every time I open my mind, I keep on realizing that maybe I should listen. Dapat siguro nakinig muna ako ng mabuti bago ako masaktan at iwasan siya, we are in a RELATIONSHIP for whoever's sake.

Am I wrong for feeling this way?

Am I overthinking his words?

Napahinga ako ng malalim at ibinaba ang telepono sa aking tabi, I am tired of being myself.















"I met Johan's daughter, Jiana. She's good and she passed my quality check". Ani ng nanay nila Grey at Hiro habang nasa hapag sila, he is forced to join them again after weeks.

Walang imik ang magkapatid at parehong hindi komportable sa lugar na ginagalawan, this place was never home. It can actually pass the hell if observed.

Eleganteng sumubo ng pagkain ang ama ng dalawang kalalakihan at seryosong tinignan si Hiro, "You heard your mom, Hiro. Jiana passed her expectations, you'll marry her after your graduation". Walang kabuhay-buhay na usal ng ama sa panganay na anak.

Hindi umalma si Hiro at parang aliping tumango sa sinabi ng ama, Grey's eyebrows met and his blood boiled pero nakasagot na ang kaniyang kuya.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon