CHAPTER 26

163 0 0
                                    

Hanggang ngayon ay nakahiga pa din si Grey sa kandungan ko at mahimbing ang tulog, maya-maya pa ay tumagilid siya at napaharap sa tiyan ko at yumakap duon.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa inakto niya, ayaw ko namang istorbohin dahil mukhang ngayon lang siya nakakuha ng maayos na tulog.

Narinig kong may tumunog na telepono kaya napabalikwas ako, yung phone ni Grey. 

Nakita ko sa caller ID na 'Ina' ang nakalagay kaya sigurado akong si Reina iyon kaya kaagad akong bumaling sa kaniya at inalog siya ng bahagya.

"Grey, tumatawag si Reina sayo". I said while still shaking him lightly.

He simply hums and hug my waist tighter, mas lumalim pa ata ang tulog niya. "Hey, baka importante 'to. Sagutin mo na dali". Pangungulit ko dito.

Binuksan naman niya ang isa niyang mata kaya napahinga ako ng malalim, buti naman. 

Kinuha ko na ang phone niya at nang akmang iaabot ko na sa kaniya nagsalita siya, "Answer it and tell her I am in deep slumber, love".

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa tinawag niya sa akin, maawa ka naman sa puso ko, Hernandez Grey.

Wala na akong nagawa dahil yumakap lang ulit siya sa beywang ko at natulog na ulit, kahit kailan talaga oh. I swipe right and answer the call.

"Hoy! Mokong ka, ayaw mong sagutin yung telephone. Nagrereklamo yung matandang walang ambag sa boards kundi puro dada lang, palayasin ko na ba?". Siguro ayun ang dahilan ng stress ni Grey kanina pagkapasok.

Huminga ako ng malalim at sumagot, "R--reina? Si Jairah 'to, n—natutulog kasi si Grey ngayon eh. Pasensya na, sabihin ko--". Pinutol niya ang sasabihin ko ng tili kaya nailayo ko ang telepono sa tainga ko.

Parang sila Abi! "Oh my gosh! He is sleeping talaga? Where?". Sunod-sunod na tanong ni Reina kaya napatingin ako kay Grey na masarap ang tulog sa kandungan ko, should I say it?

Napakamot na lang ako sa batok ko, hindi naman niya siguro ipagkakalat ano? She looks okay naman eh, "He is sleeping on my l—lap, sabihin ko na lang paggising niya". Mahina kong tugon.

Narinig ko ang paghagikgik niya sa kabilang linya kaya uminit ang pisngi ko, dapat ba hindi ko na lang sinabi? 

"The big baby is back, huh? Huwag mo na lang muna siyang gisingin, ngayon lang nakatulog 'yan ng maayos eh. By the way, thank you for staying beside him this time. He is having a hard time kasi sa boards ngayon kaya kailangan ka talaga niya ngayon". Aniya.

Lumambot ang puso ko habang nakatingin kay Grey, naawa naman ako. Kung batukan ko kaya yung may kasalanan ng pagkastress niya? Joke.

"Hindi mo naman kailangang magpasalamat, Reina. Sa totoo lang, bumabawi din ako sa kaniya sa mga oras na nasayang nang dahil sa desisyong nagawa ko...". I paused because Grey tightened his hug on my waist but I eventually proceed, "If only I can do something to ease his stress".

Natahimik saglit si Reina sa kabilang linya pero kalaunan ay nagsalita na din, "Just stay with him, he is my friend so, I saw his miserable state when you left him. Kaya kung gusto mong makabawi sa kaniya, stay".

Her words made me wonder a lot of things, was the pain worth it?

Am I still worth it for every pain that I have caused him?

"Thank you, Reina. For being with him". I am thankful for her because she stayed with him those times that he is struggling.

"No need to thank me for that, I am happy that you came back and I hope this time... You both can make it work". I hope so too.

My Greatest Downfall (Us Against The Fate Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon